Ask The Expert: 🩺👩🏻‍⚕️Paano Iwasan ang Miscarriage o Pregnancy Complications? 😢

🤰🏻💬Join me, Dr. Jasmin Suleik, a General Practitioner of KonsultaMD para sa topic na Paano Iwasan ang Miscarriage o Pregnancy Complications? 🤰🏻Kasama ang theAsianparent, matutulungan ko kayong mga Pregnant Mommies sa inyong pregnancy journey sa pamamagitan ng pagsagot sa inyong questions around miscarriage, causes of miscarriage (also what can cause miscarriage in early pregnancy), what foods can cause this, miscarriage symptoms and also anything related to pregnancy complications. 😢 ❓️💬 ASK your questions sa comment section below para aming makita at masagot ❤️🤰🏻

Ask The Expert: 🩺👩🏻‍⚕️Paano Iwasan ang Miscarriage o Pregnancy Complications? 😢
91 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

share ko lang po. Nakadalawang miscarriage na po ako, 2021 ung unang beses hindi daw akma ung development ni baby based sa weeks nya hanggang sa nawalan ng heartbeat. Yung pangalawa naman na miscarriage ko was due to ectopic pregnancy, 7 weeks and 5 days palang si baby nun. Bigla lng sumakit ung tyan ko nung Aug. 6 ng gabi then nung nasa hospital nako hindi nawawala ung sakit. hanggang sa namutla na ko sa sobrang sakit at tuloy tuloy na pagbaba ng BP, 80/50 nlng. Pagdating ng OB ko pinahanda agad nila ung OR para maoperahan ako. Ayun pala, pumutok na daw ung fallopian tube ako, na nagcause ng bleeding sa loob ng tyan ko.😥💔 fast forward, salamat sa Diyos dahil naging successful naman ung operation ko at nagpapagaling nako ngaun. Sabi ni OB may chance pa naman daw mgbuntis since may right side pa ako ng fallopian tube and healthy naman din ung side na yun. Next year na daw ulit kami mgtry at kailangan magdiet para mas healthy ung katawan ko pag nagbuntis ulit. Any advise po para maiwasan po ang magmiscarriage, nakakatrauma na kasi dahil twice na nangyari saken 💔😥😥 Thank you po sa makakapansin ☺️

Đọc thêm

Hello po, 11 weeks and 1 day na po kami ni baby ngayon, noong 9 weeks pa lang kami nag spotting kami then neresetahan ng pampakapit at antibiotic kasi nakitaan ako ng infection, after 3 days lumakas na yung spotting ko at fresh blood na yung lumalabas kaya nag paadmit na kami sa Hospital pagka ultrasound normal naman lahat at si baby, after 3 days nakauwi na kami ngayong 11 weeks and 1 day pagkagising ko may spotting na naman ako kahit na iniinom ko lahat ng reseta sa'kin at naka bed rest na ako, ang layo kasi ng clinic at hospitals dito minsan wala pang mga doktor kasi nasa maliit na probinsya lang kami kaya nahihirapan ako di ko maiwasang mag alala, ano po kaya ang magandang gawin?

Đọc thêm
10mo trước

last na nagpa TVS ako anterior placenta grade 0 e tinanong ko naman sa OB sabi niya normal lang naman daw.

Hello doc! nacoconfuse ako. Okay kasi sa OB ko to drink one cup of coffee a day. pero yung mga tao sa paligid ko pinagsasabihan ako na masama daw sa buntis ang kape. ayoko din naman magsisi sa huli. Pero sainyo ba, bawal talaga ang kape sa buntis? makakacause ba ito ng Miscarriage o Pregnancy Complications?

Đọc thêm
8mo trước

Sabi ng OB ko mommy decaf pwede naman daw kahit 1 cup a day pero ako lang ang ayaw magtake hahahaha nagkafood aversion kasi ako at ayaw ng panlasa ko yung aftertaste at tsaka na rin dahil sa acidity.

Hello po. Will continuing the activities I do prior to pregnancy cause complications? For ex, I used to bike to work before (only around 1km), bawal ba talaga? I actually feel it's less "bumpy" compared to riding the padyak/ motorcycle, and less strenuous than walking. Will walking that 1km a better alternative instead, or what exercise is more recommended? Being quite physically active, I don't think I can do without physical exercise. I'm 38yo, this is my 2nd pregnancy. My 1st one was when I was 36y completely normal and healthy pregnancy and delivery. Thank you po!

Đọc thêm
11mo trước

Got it. Thank you very much po, dra! 😄🙏

11 weeks ako now last ultrasound ko may subchorionic hemorrhage parin ako nung una pinagalitan ako 7weeks ako nun kasi delikado daw ito kaya niresetahan ako pampakapit for 1 week at nirequest ulit ng ultrasound. tapos nung follow up ko iba ang nagcheck up sa akin at sabing okay lang yun at mawawala din daw. kaya pinababalik ako ng after a month na at di na nagrequest ng Utz. ano po ba talaga ang totoo medyo worried kasi ako tho wala naman akong any bleeding or cramps na nararamdaman.

Đọc thêm
9mo trước

iba iba kasing OB ang nakatoka sa hospital nalilito na rin ako. sa wednesday pa balik ko di na nila ako nirequest ng utz kasi sabi okay lang nag aalala tuloy ako di maman makapag pautz pag wala ung referral nila hays

Hai doc. I lost my baby po last Friday (Nov.10,2023) nasa 7 weeks and 4 days napo sana. Possible cause yung sakin po ayy stress tsaka travel kasi we travel to Bukidnon for election duon ko lang po nalaman na buntis ako then I am also working. According sa OB ko po madami pung cases nang katulad sa akin specifically on the first trimester. Possible then po ba na mababa yung matris ko kaya mahina kapit ni baby? Then if I get pregnant again po ano po yung mapapayu ninyu? Thanks

Đọc thêm

hello, po. Doc, yung sakin po is biglang humilab tiyan ko. Kaya nag jebs ako. Habang nag popop po ako nakita ko pong may orange na discharge ang pantyliner ko po at medyo strong ang amoy nya po. Uminom po ako ng Dophaston at Isoxilan pero after a few minutes nahimatay po ako at kinagabihan masakit masyado ang likod ng ulo ko po. Di po ako maka punta agad sa OB ko kasi bawal walk in at ang appointment is next month pa me available. Patulong po, di ko na alam gagawin ko.

Đọc thêm

Hi po. I had a miscarriage last Feb po (6weeks), I guess dahil po that time I continued with my usual activity like riding a single motorcyle, akyat baba sa stairs, kumakain ng pinya.. Now, I am pregnant again (7W3D). I feel so anxious everytime I will feel cramps, or kahit walang cramps. Natatakot na po ako baka it will happen again. I am a teacher po. Opening of classes na naman this Aug 29. What should I do po Doc?

Đọc thêm
10mo trước

pwde daw kumain ng pinya kpag ka buwanan na po kc daw mag nkktulong daw yun mag open ng cervix natin pro pag hindi mo daw pa ka buwanan wag daw kakaib

August 12 Po nagpa ultrasound Ako Patay na Po baby ko kung aantayin ko pong lumabas Hindi Po b Ako malalason kung Wala na si baby Yung Po Kasi sabi Ng ob na antayin ko lumabas .. worried lang po

6mo trước

hello doc, normal na po ba sobrang likot po ni baby 8mos preg na po ako sa sobrang likot ng tiyan ko di ako makatulog ng maayos gabi gabi tapus nanghihina ako lagi

Hi doc. Nanganak ako ng 24weeks Hindi ko alam anong naging reason bakit ganon . wala akong nararamdaman isang araw bigla na lang sumakit puson ko . dinugo na ako tas tuloy tuloy na . pero nung una may napansin ako na lumabas sakin na akala ko normal na malagkit parang white nalabas . anu po ba nagiging reason nun sa stress ko po ba sa pag akyat sa hagdag .pag lakad ng mahaba . kase wala naman po nasa doctor madami akong pinapacheck up

Đọc thêm