share ko lng po
Nakakainggit naman yung mga mommy na buwan buwan nakakapag pa check up sa doctor ? samantalang kami ni baby wala taong bahay lang huhuhu pero ang likot likot na niya sana okay lang sya sana healthy siya ?
Momsh, may mga librenh check up. Pacheck ka at least thrice bago ka manganak. Magkano lang naman un. Or hanap ka po ng libre. Sa center nakapagpacheck ako once kasi sa prenatal ko. May ultrasound din pero ung di nakikita si baby. Di ko alam tawag sa device na un pero narinig din ung heartbeat nya. Tapos nagbibigay pa sila ng 1 month supply na vitamins. As for me, calcium ung binigay. Basta try mo check sa center nyo. For sure may ganun din yan. Kelangan mo din kasi magprenatal tapos inject ka nila anti-tetano.
Đọc thêmHi sis! Lapit ka sa health center ng barangay nyo. Libre lang dun, may ibibigay pa sayo nga free vitamins. Iwas gastos din. Mas magandang namomonitor din si baby ng mga may alam. 😊 at syempre magsearch search ka kung pano mo maaalagaan ng husto si baby lalo nat nasa bahay lang 💙 God bless sis! 🙏
bakit di ka po nakakapag pa check up sis?? curious lang po.. kasi kailangan nio pa rin ni baby yun eh. kahit malikot sya. need pa rin makita if maganda ang development ni baby sa tummy mo.. baka po may malapit na center sa inyo. libre naman po dun
Momsh..may Center po tayo na pwede kang mag pa check up ng Libre at may libre din po silang Vitamins. It's better na magpa consult ka sa OB kasi need ng Baby mo un at need mo rin
Sa center sa barangay or sa municipyo free check-up mommy. Sa barangay malapit lang kaya kahit walang kasama kaya mo magpunta. Ask ka lang ng schedule nila kung kailan.
Pa check up ka kahit sa health center lang monthly libre naman yun para ma monitor ka din may mga libre din laboratory ang government. Napakahalaga ng prenatal check up
moms pa check up ka sa brgy nyo.. libre yun o sa center ng bayan ninyo. Kelangan mo mgpa inject at ma monitor ihi mo pra alam mo gngwa mo. Libre dn vitamins
Pacheck up kapo mommy ikaw rin mahihirapan pagmanganganak kana hahanapan ka ng mga check up mo kasi alam ko pag walang check up di tinatanggap ng doctor
bakit hndi ka makapag pa-check up regularly? as what i know sa local health centers ng brgy nag ooffer ng free check up even preggy vitamins
mahalaga Nararamdaman mo si baby mo higit sa lahat inom ka ng gatas like anmum tapos take ka lang ng folic acid un ang importante