SPOTTING or BLEEDING during pregnancy
#repost Munting paalala⚠️ Spotting, bleeding sa panahon ng pagbubuntis 🌹HINDI kailangang mag-panic kung nakararanas ng bleeding o spotting ang mga buntis. Hindi makatutulong ang pagpa-panic at magpapalala lamang sa sitwasyon. Unang dapat na gawin, kontakin ang iyong doktor at magpasuri upang malaman ang dahilan ng bleeding o spotting at masolusyunan agad ito. Ang pregnancy period ay puno ng anxiety, consciousness at apprehension. Kumabaga, parang ang tagal naman bago mo makita ang anak mo. Siyempre siyam na buwan ang pupunuin at hihintayin para makasama ang pinakabagong miyembro ng pamilya. Maraming paalala ang doktor para sa mga buntis plus pa ang paalala ng mga magulang (ng buntis) o ng mga kaibigan na dumaan na sa pagbubuntis na makatutulong para maging maayos ang nanay at sanggol na dinadala. Ngunit minsan, kahit na sundin ng buntis ang lahat ng payo sa kanya ng doktor at ng mga nagmamalasakit at kahit na gaano kaingat ay mayroon pa ring mga nanay (babae) na nakararanas ng spotting at bleeding during pregnancy. Ang bleeding o spotting during early pregnancy ay isang nakaka-worry na bagay at isa rin sa common problem ng mga buntis. Ngunit, hindi naman lagi ang ibig sabihin nito ay losing your baby (malalaglag). Basta maagapan ang problema ay sabayan ito ng proper medication at bedrest, upang manumbalik ka sa normal na pagkilos o paggalaw. Kapag naka-bedrest kasi, kailangan na humiga lang at magpahinga lalo na kung ang ipayo ng doktor ay complete bedrest. Tiyak rin na ipapa-ultrasound ka ng iyong doktor upang malaman ang eksaktong kondisyon ninyong dalawa ni baby. Dahilan ng spotting 1. During early pregnancy, minsan kapag ang fertilized egg implant, pwedeng may slight bleeding isa hanggang dalawang araw. 2. Minsan kapag ang placenta ay nadidikit sa uterine lining, ay nagkakaroon ng spotting. 3. Ang pagbubuntis ay nagdadala ng pagbabago sa entire internal system. At some variations ay nakikita sa usual cycle. Ito ay nagiging sanhi ng bleeding. Maging ang maglambot ng cervix ay sanhi ng bleeding. 4. Rare case naman kapag ang embryo ay hindi ma-develop o maka-survive dahil sa abnormalities sa fertilized egg sa panahon ng conception, dito nagkakaroon ng bleeding. 5. Kapag may yeast o bacterial infection sa vagina ay nakararanas din ng bleeding during pregnancy. 6. Ang spotting ay nararanasan din minsan pagkatapos ng intercourse. 7. Ang spotting naman sa huling buwan o huling araw ng pagbubuntis, ibig sabihin ay ready ng manganak. Minsan ang process (ng labour) ay nagsisimula na may kasamang slight o walang pain. Pinagkaiba ng spotting at bleeding Ang spotting ay light bleeding at ito ay maikukumpirma sa tipo ng pagdurugo na nararanasan sa umpisa at katapusan ng iyong regular period (mensturation). Ngunit kapag madalas ang pagdurugo at tipong may heavy flow ng dugo ito ay maituturing na bleeding na, na hindi dapat na ipagwalang bahala. Kapag naransan ang alin man sa dalawa ay agad na magpasuri sa iyong ob-gyne upag mamonitor ang iyong kalagayan at kung kailangan bang gamutin o hindi. Mabuting komunsulta lagi sa doktor upang ma-check dahil depende ang cause ng spotting o bleeding, minsan ay senyales din ito ng mas seryosong problema na dapat na maagapan. Kapag naman nakaranas ng heavy bleeding na may kasamang intense pain, ay wag mag-atubiling magpasugod sa pinamakamalapit na ospital bilang emergency. Dos and Don’ts I-observe ang ilang do’s and don’ts na ito upang ma-check ang iyong bleeding o spotting at maging safe kayong dalawa ni baby 1.Magsuot ng pad or panty liner/shield upang mamonitor mo ang dami at dalas ng pagdurugo. 2.Huwag na huwag maglagay ng tampon sa vaginal area. 3.Kapag nakararanas ng spotting o bleeding dapat na wala na kayong contact ni hubby. 4.Magpatingin agad sa doktor kung ang kondisyon ay lumalala o kung hindi na ma-handle pa ang nararamdamang sakit at discomfort. 5.Sundin ang ipapayo ng doktor. Kung painumin ka ng gamot para sa bleeding o spotting gaya ng pampakapit ay inumin ito at siguraduhin na sa tamang oras at dosis. Kapag pinapa-bedrest ka ay sundin ito, iwasan na ang manik-manaog sa hagdan na maaaring magpalala sa bleeding o spotting. Kainin rin ang mga food na irerekomenda sa iyo ng doktor at uminom ng gatas na espesyal para mga buntis para maging malusog si baby. 6.Kailangan ng sapat na tulog at pahinga.