ACTIVE LABOR

Hello mamshies! Kindly share your labor experiences until hugging your bundle of joy. ?

11 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Pumutok na panubigan ko wla pa kong naramdamang pain. Kaya in-induce ako, at nung nagsimula ang labor ko my goodness ang ingay ko talaga sa labor room, pinahiga ako wag daw akong tatayo pero napapatayo talaga ako sa sakit baka nga daw mahulog ako sa bed kapag di ako pumirmi. Grabe naman as if di nila alam ang pain pag labor para sabihing pumirmi ako. Hahahahaahah actually pang-4 ko na tong last, pero sa kanya ko lang na experience yun induce, mas masakit pala. But all in all, kahit gano pa kasakit totoong mawawala yun kapag narinig mo na iyak ng baby mo at makita mo sya. Ibang klaseng gift ang binigay ni God sating mga mommy. The gift of giving life. How on earth are we able to endure all those unexplainable pain??? But we did, of course with His guidance. Kaya naman thank you Lord, and kudos to all mommies 😉😊😊

Đọc thêm

cs ako 9months na di parin nag oopen cervix ko so my ob said ipahilab ang tummy ko 7hrs pinahilab ang tummy ko but still ayaw parin mag open at humihina heart beat ng baby ko. so we have no choice at cs nalang ako. nung nasa cs room na ako sobra ang kaba ko non :3 after nung anesthesia nakatulog ako until nakaramdam ako ng may humatak sa tummy ko at yun narinig ko iyak ng lo ko. ang saya sa feeling ko nun na relieved ako dahil okay sya pero di kaya ng antok ko bumabagsak talaga eyes ko hanggang sa ginising na ako at inilapit sakin si lo. sobrang saya sa feeling (naiiyak ako hahaha) and ayun hanggang now binabalik balikan ko yung nangyare💞 blessing ☝💖

Đọc thêm

Naglabor ako kahit di ko alam. Around lunch time masakit tyan ko, akala ko need ko magpoop. Pero tuwing uupo ako sa CR di lumalabas kaya naglakad ako paikot-ikot sa buong school. Around 4pm tumitigas tyan ko. 9:30 nagkaron na ako ng bleeding at super hilab na ng tyan ko. 10pm hanggang 2am 3cm dilated lang ako at nastress na si baby kaya emergency c-section nangyare.

Đọc thêm

labor??well pumutok na panubigin kot lahat lahat pero wala pang nag aasikaso sakin dahil bc lhat ng midwife sa pagrosary at pagbabasa dahil magsisemana santa noon.sobrang hirap at sakit 1pm start akong maglabor nanganak ako 8 pm!!..lahat pa ng kasama ko sa kwarto namatayan ng mga baby..pero sobrang gaan sa pkiramdam pag narinig mo boses ng baby mo

Đọc thêm

sobrang hirap maglabor.wala ng sasakit pa physically. lahat ng pangalan n alam ko, nabanggit ko na ata. pero super worth it nung nakita ko na ang baby ko.after that, akala ko tapos na, hindi pa pala tapos ang paghihirap. sobrang sakit din ng pagtahi sa pem.as in. kaya saludo ako s mga mommies.

Sa dalawang kids ko hindi ako ganun nahirapan sa panganganak. pero dito sa bunso ko inabot ako ng 13 hrs bago sya labas. ang sakit ang hirap. Pero ng masilayan ko ang anak ko worth it lahat. 😍

3hours akong naglabor 1st baby ko to 12 pinasok nako dahil manganganak nako 12:15am lumabas na si baby pero ang sakit talaga maglabor sulit naman dahil ang tangos ng ilong ng baby ko haha

6y trước

Mga prutas manggang hilaw singkamas madalas kong kainin at gulay narin..hindi nagkaUTI kasi ko nung una palang na malaman ko na buntis ako kaya binawal na sakin ng asawa ko..

The labor,,? The hardest for me,,ms mhirp mg lbor kesa umanak .jn matetest qng gano kataas,/kababa ang pain tolerance mo!but its all worth it nmn pag lumabas n c lo sarap ng feeling😇

Thành viên VIP

Super painful yung mahuhulog na ko sa hospital bed taz gusto ko patawag mom ko..nung ayan na my goodness push to the max..nung makita ko za lahat ng sakit napawi 😊Thanks God

Super hirap maglabor 😣 kasi 14hrs ako naglabor hehehehe . Pero nawala lahat ng yun ng mayakap kona baby ko ❤