Pa-vent out lang mga mommy.

Super down, stress at galit ako sa pinag awayan namin ng partner ko a while ago. 😔 OFW partner ko, may isa kaming anak at nakatira kami ngayon sa parents ng partner ko. May anak na partner ko sa dati nyang gf bago pa ako dumating, at kasama namin yung "anak" nila dito sa bahay. Bale yung partner ko sa MIL ko siya nag papadala ng pang gastos dito sa bahay kasama na milk at diaper ng lo namin. Yung pinapadala niya sakin ever since eh for savings lang namin dahil mag papakasal at kukunin niya kami next year kasama baby namin. Nag padala siya sa ex nya ng pera na hindi ko alam, nalaman ko lng nung nakita ko yung confirmation ng remittance sa email nya. Nagalit ako, I confronted him na bakit niya pinaldahan. Sabi naman niya pinadalhan lang nya para di mang gulo. Hindi ko lng maintindihan bakit niya pinaldahan, ni hindi naman nang hihingi ng pera yung ex nya o nang gugulo. So naisip ko nag uusap pa sila nung ex nya ng hindi ko rin alam. 😔 Ever since yung ex na nya pinag aawayan namin, okay lng naman sana sakin padalhan niya kung nasa ex nya yung anak nila kaso nasa amin, nasa pangangalaga namin yung anak nila. Ang masakit pa ako pa ang nag aalaga sa anak nila, tapos padadalhan niya ng pera. Napaka unfair for me, na ang sarap ng buhay ng ex nya kasama yung bf nya tapos padadalhan nya ng pera samantalang nasa pangangalaga ko yung anak nila. Valid ba tong nararamdaman ko? Masama ba ko dahil nagagagalit ako na pinadalhan niya ex nya? Also, sinira na naman niya tiwala ko. Dahil sabi niya sakin hindi na niya nakakausap ex nya.

2 Các câu trả lời

pagusapan nyo. sabihin mo lahat ng saloobin mo at ipaliwanag mo sa kanya bakit ka nagagalit. na dapat,lahat open kayo sa isat isa. kasi nakakasira ng tiwala ang pagtatago sa isa. kung magkapalit man kayo ng sitwasyon,malamang magagalit din sya at baka pagisipan ka din niya ng masama. plano nya magpakasal kayo,pero di naman magawa maging open sayo. sana hindi siya gumagawa ng mga action na di niya pinagisipan. dapat iniisip ka din nya. lalo nat magpapakasal na kayo. magiging mag asawa na kayo.

Natatakot tuloy ako mag pakasal kung ganito na paulit ulit. Baka pag sisihan ko lng sa huli. 😢😢

Valid yang nararamdaman mo. Kasi sa una palang wala duon sa kanila ung anak nila, nasa inyo. Bakit sya nag padala dun? For what? .

Mag usap kayo sis. Mas lalo ka mahihirapan kung isasarili mo lang. Ulit ulitin mo sa kanya na bakit? Bakit? Bakit? Kung ganyan rin lang kamo ed sana ung baby nila dapat dun na lang sa girl.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan