Condolence po.. same tayo nag incompetent ako sa first baby namin 19 weeks ipinanganak ko na siya last yr nov.10.. 4 yrs of waiting tas kinuha din kaagad siya sa amin.. pero wag ka po mawawalan ng pag asa.. after ko maraspa 3 months nagbuntis na ulit ako.. 3 months na kami ni baby.
Same naflush ko dn sa toilet ung 2nd baby ko .. diko alam na baby na pla un..hanggang lagi ng may umiiyak na baby sa cr😭 pati mga kapit bahay namin narrnig ung iyak😭kaya lagi ako nag sisindi ng kandila sa cr.. sabi ng tta ko bgyan ko ng pangalan at padasalan sa church
Condolence mommy. Be strong. May God give you all the comfort and healing na kailangan niyo ngayon. May taga pagbantay ka na na angel. Lift all your worries and sorrow to God magtiwala ka lang na sa tamang panahon bibigyan rin niya kayo ng anak. In His perfect time. Hugs!
Nakakarelate ako mamshie. Same experience with twins bb boy pareho. Nakunan dn ako by 22weeks..now 34weeks preggy nko bb girl naman.. Maselan tlga kpg twins eh. Dapat tlgang bedrest..sa ngaun mamshie rest ka muna and make ur uterus healthy..pray pray lng tyo lgi..🙏
Sorry mamsh... sorry for your loss 😔
Please pray for strength. Pray ka lang mamsh. Alam ko walang makaka alam eksakto kung gaano kasakit ang nararamdaman mo ngayon.. Kapit lang.. Kapit ka lang kay Lord.
Maniwala ka lang sa mga plans niya. Wag ka mawalan ng faith.
Be strong lang po Momsh, same po kayo ng sister ko, first baby niya din kambal nakunan siya, then yung 2nd babae nailabas niya ng 7months via Cs 1week lang tinagal kinuha agad sa kanila..Have faith lang po kay God, bibigyan niya rin kayo sa tamang panahon.
Naiyak po ako😢
Wag ka mag alala mommy... Darating din xa para sa inyo😢 nakakalungkot lng kasi ang tagal nyong hinintay pero hindi pala para sa inyo... Hinihiling ko na sana mabigyan kayo ng anghel ni God😇 keep on praying lng po😇
Condolence to your two little angels....ramdam ko po ung pain, kahit hnd p ako naka2experience makunan,,,in just one shot two angels ung nawala...be strong mommy,,,malay nyo po, may dumating ulit n blessing sa inyo...Pray lang po..
Hala mommy pinakamasakit talaga ung ganyan. Ako din muntik na ako malaglagan sa sobrang depressed kasi puro kami away ng live in partner ko. Pero blessing sakin na kahit wala akong tnetake na pangpakapit eh kumapit talaga si baby
ilang weeks kna sis?nagspotting ka ba?what did u do?
I'm so sorry for your loss 😔
Sorry to say pero medyo pahamak pamangkin mo. Next time po na mabuntis ka (i'm sure makakabuo ulit kayo 🙏🏻), iwas ka po sa mga ganun klaseng activities na pwede matamaan ang tyan mo.
Shiela Rose Eusebio