REGISTERED NURSE
Hi! You can ask me anything about your pregnancy situations po. Comment below na lang po ? Nurse K ❤
Hi po! I'm having diarrhea since tuesday, ano po kayang pwedeng inumin? 5mos & 1wk na po tummy ko. Ang dami ko nang tinry, saging, apple, i even tried gatorade. :( Wa epek sa kin :( nahihirapan na ako matulog sa gabi :( Please need your help po.
Ok lng po ba hindi makapagpacheck up this month cause of Covid-19. Ang sabi kasi sakin dun sa pinag checheck up ko sa april 15 na lng daw. May epekto po ba kay baby ang hindi makapag pacheck up this month ? Im 33weeks and 5days. Thankyou po.
Wala naman pong epekto yan. Nasa pag-iingat nyo din po yan. Basta take your vitamins, eat nutritious foods and monitor lang lagi ang fetal movement. 😊 Nurse K ❤
Ask kolang po if ano magiging effect kay baby nung pills hindi kopapo kasi alam non na buntis ako tas nagtatake po ako ng pills non pero ngayon naman po is wala naman po akong nararamdaman na kahit ano 7months napo akong preggy now.
37 weeks and 6 days napo ako ngaun. Ngpunta po ako ospital ngaun kc pagtingin ko sa panty ko may bahid ng dugo nagworry ako kaya pumunta na agad sa ob ko. Kasu pag i.e sakin close cervix padaw. Sign na po ba e2 na malapit nako umanak? Tia
Kung close cervix pa naman po and wala ka pang nararamdaman na pain or contractions, I think hindi pa po. Nurse K ❤
Ok lng po ba na uminom ng kape ? Ung tipong kalahating tasa lng , di ko kse mapigilan e . Di rin kse ako palainom ng gatas , first time mom po ko . 21yrs old ! Gustong gusto ko kse ung nagsasawsaw ng biscuits at mga tinapay sa kape 😅
Iba iba po ang pagbubuntis ng isang babae. Kung sa iba pwede, maaaring sayo, hindi pwede. Consult your OB about that. Pero generally, bawal po ang caffeine sa buntis. Konting tiis lang, madali lang naman ang 9 months. After nun, laklakin mo na kape na gusto mo hahaha charot Nurse K ❤
Hi! I'm 37 weeks preggy, ok naman pregnancy ko from the start until last check up ko last Saturday. Can't go to my OB kasi tomorrow kasi lock down daw ung clinic nila. 😭 Ok lang kaya yun na hindi ako makapag pacheck up for this week?
Yup. Basta take your vitamins and eat nutritious foods po. Nurse K ❤
Hello Maam. Thank you for doing this for us. I’m 5 weeks pregnant and ano po magandang advise niyo sa akin? Sabi lang ng OB is to take folic acid since di pa ako makalabas because of the ECQ. Thank you and God bless you!🙏🏻🙂
Kumain ng fruits and veggies. Avoid fatty foods, spicy and sweets. Nurse K ❤
Hi po madam..nagKaspotting po ako twice..Nung 12 weeks and 15 weeks ang tyan ko ..Prob kasi ng hubby ko kung pede lang po ba na magDO kami,,natatakot kasi ako baka magbleed na2man..Kung pede..Kelan?..Im week 16 day 5 preggy
Hi Nurse K, Kakaanak ko lang nung September last year via CS. Last menstruation ko Jan 30 to feb 3, hanggang ngayon March 19, di pa ko dinadatnan. Possibly ba na buntis ako? that time we had sex, widrawal lang kami ng husband ko.
Pwede ka mag PT. Possible kasing magbuntis ka kahit withdrawal pa yung ginawa nung husband mo. Nurse K ❤
Hi sis. Ako po 12 days na nung nanganak ako via normal del. still bleeding. Tapos bgla ako nkaramdam ng pain sa puson. May slight stabbing pain din. Nabasa ko normal dw ung pain. Pero I want to hear another opinion sana. Thank you.
Yes mommy. That's normal po. Contractions po yan, sometimes called "afterpains". Para syang menstrual cramps. Yang contractions may help prevent excessive bleeding by compressing the blood vessels sa uterus -nurse k❤
Got a bun in the oven ❤