Kakaibang Paglilihi
Meron ba kayong napaglihian na kakaibang pagkain? O tao? O bagay? ..tulad neto ?
Si Park BoGum at Dylan Wang pinaglihian ko sa 2 kids ko. Pinagpupuyatan ko talaga mga series nila., minsan hnd nako natutulog. Kahit mga bloopers hinahanap ko mapayoutube, twitter atbp. 😀 After ng lihi ko cguro mga 3-4 mos wala na., parang bigla na lang nawala.
Oo..Sa panganay ko gusto ko lagi nakikita mukha ni Angel Locsin,sa pangalawa naman si Alden Richard kaya may dimples yung pangalawa then yung pinagbubuntis ko now gusto ko lagi nakikita si Sanya Lopez🥰🥰🥰
We bare bears pinaglihian ko lalo na si ice bear na character. So cute😍 tsaka si partner ko din kasi lagi ko tinititigan tas pag minsan naman maiinis ako sakanya ng walang dahilan. Hahaha
Paglilihi na rin ba ung kahit iniisip mo lang siya palagi as in palagi? Di kasi pwde magkita eh kaya hanggang isip lang hehe. May posibilidad ba na maging kamukha nya yng baby ko?
Siguro sis, kaso baka mas stressful kasi iniisip mo or iniimagine mo pa..kung may picture ka titigan mo nlng hahaha
Sa unang anak ko. Pinaglihihan ko yung maputing pata ng husband ko. Gusto ko nakikita, pinipisil at kinakagat. Yun lang ang pinaglihihan ko kaya madali lang makuha. Hehe!
Yung asawa ko ang gustung gusto kong makita.. ang lungkot lungkot pag wala sya... saka mga lalaking may dimples. Cute na cute ako sa kanila... ☺️
Pinaglilihian ko ata yung kapatid ko. Hay nako feeling ko mukha syang s*** zu tapos ang sarap nyang awayin. 4 yrs old palang sya
Ako ang kilikili ng partner ko. Feeling ko sya pinaglilihian ko kasi naiiyak ako kapag umaalis siya ng bahay. 🤣
Omg! Same! 🤣
Ako gustong nakikita singit at kilikili ni hubby🤭😁😁, pero ngayong 4 months na ayaw ko na.😫🤢
Boyfriend ko. Lagi akong nanggigigil sa ilong nya 😂 kaya malamang paglabas netong anak nya kamukha nya