Best hospital recommendations

Saan ospital magandang manganak? I-recommend ang iyong ospital sa ibang moms. ☺️

Best hospital recommendations
35 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

For me nag private hospital ako sa 1st baby ko. Sobrang nahirapan ako kasi di man pinutok panubigan ko umabot na ako ilang araw. Di ko alam kung pinapalaki lang ba nila yung bill namin tas yung pagkain di masarap ang dry pa pero di naman ako pwede kumain at uminom man lang ng tubig. Mag 3days akong di kumain at walang inom kasi bawal daw. At 36hrs akong di natulog straight bago nila ako ininject ng pampatulog nakailang pampahilab na rin ininject sa dextrose ko kaya laki ng bill. Di ko alam kung hinhintay nalang ba nilang sabihin ko na i-cs nalang ako. Pero yung midwife sa brgy namin tumawag at nagtaka bat di pa daw ako nanganganak. Ilang araw na akong naglilabor. Kaya sabi nya pupuntahan nya ako puputukin nya panubigan ko tapos hintayin muna namin syang makalabas bago kami tumawag ng nurse na pumutok na panubigan ko tas yun nung pumutok na saka palang ako dinala sa ER tas saka nakaraos. Kaya sa 2nd baby ko sabi ko sa kanya nalang ako manganganak. Tas yun sa center lang ako nanganak kompleto naman sya ng gamit parang lying in style lang maganda yung kwarto makakasama ko pa hubby at mil ko sa loob (vinivideo pa nga ako habang nanganganak) tas solo kwarto din tas tinuturuan ako umire. Pagfeeling kong natatae ako kasabay ng paghilab iire ko daw pero pag di naman ako natatae at hilab lang wag daw akong umire tas tinuruan nya ako paano mag inhale at exhale. Kaya ayon 5hrs lang ako naglabor.

Đọc thêm
Thành viên VIP

Taguig Pateros District Hospital ako nanganak kaso private doctor ako. Mas may kamurahan kesa sa private hospital. 22k bills ko deduct na dun ang philhealth. Sayang lang kasi di ko nagamit yung 40% discount if resident ka ng taguig kasi hindi siya pwedeng gamitin pag private doctor ka. If gusto mo talagang makamura at halos walang bayaran tapos residente ka ng taguig, magservice ward ka. Kelangan lang ng philhealth at id na nakaaddress sa taguig or voter's id or voter's certificate. Pagdating naman sa serbisyo, maayos naman po sila lahat at mababait. Patient lang po talaga kasi sobrang dami talaga ng pasyente nila.

Đọc thêm
Thành viên VIP

St Jude Hospital near Dangwa Manila. Grabe OB ko na si Dra Ricafrente. Free mga milk vitamins pati primrose pag malapit kana manganak. Nung nanganak pa ako “CS” dinalaw agad ako ng OB ko kinabukasan para lang ihatid sakin mga gamot antibiotics mga pain killer para sa tahi ko , cream at mga panlinis sa tahi At hindi lang yun pati feminine wash . ALL FREE. Super maalaga! 2019 Rate Normal is 20k CS 30k Hindi ko lang alam kung magkano ngayon. Blessing samin si Dra Ricafrente.

Đọc thêm
5y trước

All in na po yan? Balak ko po kasi don manganak hehe

St Lukes baby ako. So technically dun nrerecommend nila mama. But me, nah. Dun ako sa doctor ko. Mas best padin humanap ng magaling at mabait na OB. Tinanong ko sya kung san sya nagpapaanak, binigyan nya ko options. Kaya me, kahit saan basta sya. 😂🤒 kanya kanya padin. Haha.

Thành viên VIP

Kami ndi s hospital nagbase. Same OB naka 4 na OB kmi nun kc ndi kumportable si misis ng nag positive sya s pt naghanap n kami agad ng OB araw araw Ang check up nya kc ndi sya kumportable s mga napuntahan namin hanggang makilala nmin ung OB nya s ika apat n araw ng check up

Thành viên VIP

The Medical city pasig po. Base sa panganganak ko nun 2013. Cs package is 60k that time pro worth it. Malinis ang OR and facilities, may lactation expert png pupunta sau before irooming in c baby. Strict ang guards and mbabait ang staffs and nurses.

Sa UST OPD aq nagpapacheck-up. Very high risk ang pregnancy kO. Well monitored naman ako since high risk pregnancy nga. By the way, scheduled for CS na aq by March. Repeat CS ako bale. 30k-40k ang rate sa akin babawasan pa philhealth dun.

5y trước

Magkano po kaya pag normal delivery?

Super Mom

Dito sa Gensan the best ung Sarangani Bay Specialist Medical Center.. bago lang nag open.. super high tech nung mga facilities, super clean ng place and the staff super accomodating thumbs up💯

Nanganak ako sa public hospital sa Jose B. Lingad Memorial General Hospital sa Pampanga.. dun kase ako nagtatrabaho kaya libre.. hehe.. pro private room ako and daming foods na bnibigay..😊😊

4y trước

Ngayon nga napupuno na ung ob ward sa sobrang daminng nanganganak.. puro referrals din kase sa ibang hospitals sa Region 3 kya ang toxic.. hehe

Thành viên VIP

Base on my experience.. 😊 Sa fatima po.. Sobrang alaga ka po dun pati kay baby.. And sobrang linis po.. At higit sa lahat mura po.. Kahit private un.. Kc may charity sila dun.. 😊

5y trước

Okay ba mga OB sa fatima sis? Kahit sino ba pwede mag charity? Ano requirements?