38weeks and 6days already

SKL mga momsh pangyayare. April5 simula umaga pasulpot sulpot sakit ng tiyan ko. hanggang humapon, nasakit sakit na talaga sya kada oras. then nung naggabi hanggang 11, everyminute na sya masakit nahilab natigas. pati ang balakang binti ko parang ngalay na ngimay na. gang nag 12:30 dumiin ng todo sakit na parang puputok panubigan na natatae. kaya nagpadala nako sa lying in. pagdating namen ng lying in IE nila ko but 2cm lang. nagstay ako sa lyinh in ilang oras para maobserve daw nila. then nung 3am IE ulet nila ko but walang ptogress sa 2cm. kaya pinauwi na muna nila ko para sa bahay makapag pahinga. pinag uultrasound nila ko then balik sknila. eto na nga po kahapon 6 bumalik ako para ipasa ang result. then IE ulet nila ko. wala pa din progress, niresetahan na nila ko ng EVEPRIM. then pinababalik sana ko ulet ng 3pm para IE ulet. dina ko nakabalik kase IE lang nmn ulet. nawala na din kase pagsakit sakit o hilab ng tiyan ko. kaya naisipan ko na din na wag na nga muna bumalik. paghumilab na lang ulet. nakainom nako ng EVEPRIM 3caps, panibago nanaman sana today april7. pero babalik na kame now ng lying in kase, dina masyado lumilikot si baby and hnd na sumasakit o hilab talaga ang tiyan ko. as in normal na lang ngayon. mga Momsh please pray foy my delivery kapag dumating na si baby. 😔 sa totoo lang naiinip at napapagod na din ako, kapapabalik balik ng lying in o kung saan man. lalo ang ultrasound yung ipon namen napunta na lahat sa ultrasound. naiinip at napapagod na din ako kaiintay kay baby. 😔😔 Mga Momsh, any suggestions. bakit kaya nawala na yung pagsakit. tsaka parang walang epek yung EVEPRIM if pampahilab po sya. ilang days po ba iniinom o bago mag epek ang EVEPRIM? 18Caps kase nireseta sakin then 3x a day po sya. Thanks sa mga sasagot. Godbless and keepsafe po sa inyo. #pregnancy #advicepls #pleasehelp

1 Các câu trả lời

VIP Member

hello mommy pampadilate po ng cervix yung eveprim . . minsan inaabot pa po ng 2weeks ang paginom ng iba bago mag progress. nanganak kna siguro mommy . congrats po!

yes po nanganak na po ako nung 9. Thanks god. Normal delivery kahit na medyo natuyuan na daw si baby. Ruptured na po kase nung nagpunta ko lying in. ayun nirefer nila ko sa ospital. 16days na po now baby ko. hehehe

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan