Mareng Tess: Friday night is, chika time!

Sizmars, ano ang iyong first WORST heartbreak? I-chika mo naman 'yan!

Mareng Tess: Friday night is, chika time!
20 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

This is not so WORST. My first and last heartbreak nung bago pa lang kame magkarelasyon ng asawa ko na ngayon. Kakahiwalay lang nila ng ex nya nung magkakilala kame January 2020, then nagkakilala kame 1st week of feb 2020 1 week friends after that nagpaalam na manliligaw, 2 weeks pa lang sya nanliligaw sinagot ko na di ko alam pero I have my guts na sya na kasi may nanligaw naman saken bago sya pero ni-reject ko kasi di ko feel na sya na ang para saken. Imagine na naging magjowa kame then pandemic came, so di kame nagkikita which is yung pagkikita namen ang diversion para makalimutan nya ex nya, mukha akong ginawang rebound diba? not his fault, kasi alam ko naman yung situation nya na di pa sya nakakamove on, sya kasi yung MAS nagmahal sa kanilang dalawa. So March 16 last nameng pagkikita, March 26 yung 1st month sana namen together, 10 days simula ng nagstart ang pandemic syempre thru chat and calls lang kame, at iba na yung feeling ko. Instinct na talaga siguro ng mga baba na may ibang nararamdaman kapag alam nilang may mali. April 5th sobrang cold nya at alam ko may mali, kinonfront ko sya pero ayaw nya sabihin saken kasi alam nya sobrang bait ko na kung anuman yung sabihin nya papayag ako. Eh ako kasi stalker so inistalk ko ex nya and I found out na tama yung hinala ko at naramdaman ko, nag uusap sila ng ex nya and what's hurt me the MOST? Yung nagtweet ex nya ng convo nila na sabi dun ng partner ko "Nahihiya ako kay mama. Ikaw yung gusto ni mama." Sobrang sakit for me kasi hello? binibigyan mo ng hint yung ex mo na nanakit sayo ng paulit ulit na sana sya na lang ulit. After ko makita yun kinonfront ko na ulit sya tsaka sya umamin, pero he was saying na that day april 5 yun lang talaga yung may convo sila pero di ako naniwala. Humingi sya ng 1 week saken, para alamin nya sa sarili nya kung dapat pa ba nyang ituloy o hindi na yung relationship namen then I gave him that pero inisip ko wala na kame para handa ako. Nawala yung tiwala ko sa kanya, sobra sobra yung tiwala na binigay ko. Sa 1 week na hiningi nya gumawa ako ng letters Day by day sinend ko sa kanya yun lang time ko na nagamit ako ng phone, I no longer using much of social media that time. Day 5 (April 10) he called, video call. He wants to see me. Sinabi nya na namimiss nya ako sobrang laki ng ngiti nya, and I was like "Talaga ba? Sinong niloloko mo?" then he ended the call and nagchat sya na "Sige na, ayaw mo na ata akong kausap" I am not the person na hahabulin ang isang tao e, kasi ang katwiran ko ano na lang ba ako kung ikaw na mismo sa sarili mo ang nagsasabi na di ka pa din nakakamove on sa minahal mo ng sobra. April 10 pa din around 6pm nagchat ulit sya saying "Ako yung mananalangin ngayon, kinakabahan ako." I replied, "Sows, bakit ka naman kakabahan mananalangin lang e kaya mo yan" then he replied "I love you" sabi ko sa isip ko di ako tanga at marupok but I ended saying I love you once then sabi nya "Isa pa" sabi ko "bakit?" sabi nya "Basta" I said I love you once again tapos humirit pa ulit dalawa pa daw at isa pa. Sabi ko "Arte mo bakit ang dami?" he replied "Kasi 5 days walang I love you mo. Di ka man lang nakaisip na ipaglaban yung pagmamahal mo lagay na hahayaan mo lang ako bumalik sa kanya" and I replied "Eh kung sya ang mahal mo may magagawa ba ako? Di naman ako ganung kasama para itali ka lang sa situation naten" Then nagdrama na saken na kesyo "Walang nagchicheer up saken kapag natatalo ako sa ML" napareply tuloy ako ng "Lintek ka, naghahanap ka lang pala ng taga cheer mo" sagot nya "Syempre ng taga I love you din" The end. Di ko na itutuloy masyadong mahaba, tsaka di na to heartbreak Hahahahaa

Đọc thêm