Mare, kanina pa kita hinahanap!
Hi, hello, mga sismarz! Mareng Tess again, ang Sizzling Friendship Tsismosa ng L.A (Lower Antipolo)!💋💅🏻 #TAPAfterDark Honest answer ah! Nagtatago ka ba ng pera sa asawa mo? Bakit at anong reason? I-chika mo na 'yan! 😜☕
No. Since may business siya. Kahit sabihin na hindi lahat ng times okay ang takbo ng business. May sarili siyang pera tapos lagi din niya ako binibigyan ng pera. Kaya no need pagtaguan siya. Alam din naman niya lahat ng mga pinagbibili ko o kahit anong gawin ko sa pera na binibigay niya sakin. Wala siyang pakialam kung anong gawin ko sa pera as long as hindi makakasama sakin yung pinagkakagastusan ko. Ang motto niya kasi pagdating sa pera “hindi bale ng mawala o maubos ang pera wag lang ikaw. Kasi ang pera kaya ko pang kitain pero pag ikaw ang napahamak o nawala yon ang hindi mapapalitan” ever since kahit magjowa palang kami ng partner ko ganon na siya. And I’m so lucky and happy dahil ganon siya sakin 😊 (may savings pa din kahit madalas magastos ako lalo pag sa pagkain kasi preggy. Kain ng kain 😂)
Đọc thêmHindi infact siya pa taga tabi ko ng pera sya pinag huhulog ko sa savings account ko,, alam nya lahat ng gastos ko pro di nya ko pinapakialaman kc parehas kmi may work,, ska mas magaling syang mag handle ng pera kya sya ang pinag mamanage ko ng mga ipon nmin,, napaka sinop ng mister ko s pera pro hndi sya madamot skin kaht kuripot sya s ibang tao napaka generous nya skin,, spoiled p ko, kht mas malaki ang sweldo ko kesa sknya binibilhan p rin nya ko ng kung ano2 mula s pagkain pasalubong, alahas pag anniversary nmin pro nitong last anniv nmin cellphone ang niregalo nya skin,, kaya hindi ko pinag tataguan ng pera ang mister ko kc never syang naging madamot skin
Đọc thêmHindi. May sahod kami pareho, di ko pinapakialaman ang sahod nya at ganun din xia sa akin. As long as hndi xia nagkukulang sa pagtulong sa pang araw2 na gastos, share kmi sa mga bayarin, bigayan lng, hindi porke xia ang lalaki, xia na lahat ang gagastos. I give my fair share to resolve our expenses, pag sa mga pansarili kong wants na, i see to it na dun lang sa kaya ng extra money ko. I don't demand too much kasi pag burdened ang husbands natin financially, ung stress nila will eventually affect their physical, emotional, mental wellbeing. So no, I don't have to hide money from him😊💪
Đọc thêmI don't keep secrets.. I don't want to give any rooms for doubt. I tell him everything.. isa lang ata inilihim ko, after giving birth nagkapost partum depression ako, tipong I myself, am not sure kung dapat ba akong mag alaga kay baby kasi may times na parang I just don't feel like feeding him and all kasi nga mahirap pagdaanan ang PPD, not everyone can understand it. Madaling mamisunderstood at majudge ang nagaundergo ng PPD. Kakatapos ko lang malagpasan ang PPD, it's tough, minsan it seems like my prayers does not work.. but thank God for His grace and mercy graduate na ako sa PPD.
Đọc thêmNo. Ever since we got married, we discussed on how we’ll be handling the money. Never kami nagtago ng pera sa isa’t isa kahit noong nagwowork pa ako dati. Basta kung ano ang kaya namin masave na pera, nilalagay namin sa bank account namin. Ako naghahandle nito and mga gastusin sa bahay. Pag may gusto bilhin ang isa sa amin, we communicate it sa isa’t isa and discuss. Minsan pinagpapaliban muna namin dahil mas may kailangan pagtuunan ng pansin at pera. Nakakaipon talaga kami sa ganito naming set up at masaya ako na open kami sa isa’t isa about sa pera. 😊
Đọc thêmHinde,alam nya pa nga kung saan nakatago pera namin,may sarili din syang allowance pagkasweldo nya binibigay ko kaagad,alam nya din kung saan ko hinuhulog savings namin at pinapaalam ko kung may umuutang samin, mga kapatid lng nya umuutang samin, sa side ko wala umuutang kaya ipinapaalam ko sa asawa ko.Naiintindihan nya kase na malaki ang gastos sa mga bata , 2 lng anak namin at sa bills nagdoble mula nung WFH sya. Sobrang blessed ko talaga sa husband ko napakaresponsable at mabait.
Đọc thêmWell, it depends on the situation. But my answer is yes. There are times kasi na magastos si hubby sa mga kinakabit niya sa bike or motor niya. And may times na may kinikita ako online. I save the 50% of my income din for our savings din, not for my own selfish needs. So, I think kahit nag tatago ako e may good side naman. And ako taga hawak ng pera. I make sure na napupunta sa needs namin at hindi wants lang. ☺️ Wala akong luho kasi nahihiya din ako gumasto gasto. Hehe
Đọc thêmNo! kasi alam naman nya pera ko kahit di ko sbhin.. syaka ayaw ng partner ko na naglilihim o nagtatago ako ng pera o nagsisinungaling.. kasi monthly bigay nya sakin allowance is para sakin lang yun.. tapos mga gastos sa bahay kuryente grocery sa bahay needs ng baby check up ko kasi pregnant ako pati damit ko sya bahala.. sa madaling salita sya may hawak ng pera basta ang akin lang ibigay nya yung para sakin hahaha.. tapos wala na ako pake sa pera nya😂😅
Đọc thêmnever! Kung gusto mong maging transparent din sayo asawa mo, do the same thing to him. Mas maganda sa relasyon yung open kayo sa lahat ng bagay. Kung ikaw man siguro pagtaguan ng mister mo ng pera or hindi nya sabihin sayo kung magkano sweldo nya, sasama loob mo at baka pag-isipan mo pa sya na may babae or what. Kaya kung ayaw mong pag-isipan ka din ng masama ng mister mo, be transparent lalong lalo na when it comes to financial issue.
Đọc thêmyes.nagtatabi ako ng hindi ko sinasabi na may naitatabi ako.halimbawa yung may sumobra ng kaunti sa budget itinatabi ko.tapos sasabihin ko ubos na.pero meron pa😁usually kc kpag malapit ng sahod nya madalas nauuna na ng maubos budget namin.kaya nakakatulong yung pagtatabi ko kc may nailalabas pa ko kapag walang wala na.😊 Pero feel ko alam nga na yung style ko.,😅 dedma na lang cguro sya kc useful naman.😁😁
Đọc thêm
Queen of 1 bouncy little Angel