Random question. 😅 NO TO BASH!
Hello sissies! Tanong ko lang po, bakit kailangan nating magbayad sa simbahan kapag magpapabinyag? Kasi sa simbahan namin ang mahal e. 😅 Ganun din sa kasal, mas mahal. 😅😅
Hindi po ang pagbibinyag ang binabayaran kundi ang mga bills gaya ng kuryente na ginamit,pameryenda sa mga staff na naglinis ng simbahan kasi bihira naman satin may nagvovolunteer maglinis sa simbahan ng wala kapalit kahit meryenda lang kesa maalikabok pag araw ng binyag, mga kandila at papeles na ginagawa para sa certificate of baptismal dahil hindi naman din libre ang mga iyon..wag nio po isipin na ang bayad ay para sa binyag,kundi para sa mga gagamitin sa binyag dahil magkaiba po iyon
Đọc thêmDi namn yan bayad para sa binyag. Tulong mo yan para sa mga gastusin ng simbahan gaya ng kuryente, tubig, mga gamit, mga pagkain ng nakatira sa kumbento, mga office supplies pra sa certificate ninyo, etc. Ang mga tao mismo at mga donasyon nila ang tumutulong para makapagpatuloy ang simbahan para sa mga gawaing pangsimbahan.
Đọc thêmSa amin po walang ganyan.. kasi di naman po nasasabi sa bible na babayaran dapat ang pagbibinyag.. Ang pagbibinyag ay patunay ng pagtanggap mo na ikaw ay nailigtas ni kristo at tinatanggap mo sya bilang saviour mo.. walang bayad yun
Pag po solo nyo ang church sa pagbibinyag nasa 1k-1.5k po ata pero pag madami kayo kasabay donation para sa pagmaintain ng kagandahan ng simbahan. Di naman siguro ganun kalaki ung hinihingi
Dapat po abuloy lang kapag ganyan malaki ang bayad politics yan ..at wala sa bible nakalagay na kailangan mo mgbayad ang pwede lang is kusang loob na bigay para sa simbahan🙂🙂🙂
mommy para sa simbahan po napupunta ang payment. at minsan lang naman po ang bayad nyan kc isang beses lang bibinyagan ang isang bata, isang beses ka lang din ikakasal.
sa catholic po my bayad tlga...pero sa church nmin walang bayad un...ngbibigay lng ng love gift sa pastor kung mgkano lng kaya mo ibigay...
sa catholic ganyan pero sa amin wala pong bayad ikaw na po bahala kung gusto mo mag abot as love gift sa nag dedicate sa anak mo 😊😊
Para po sa maintainance ng simbahan,kaya kung nakikita niyo na may progress ang church niyo it means dyan napupunta po.
yung mga binayad natin doon kasi kinukuha yung pangbayad nila ng bills sa simbahan (electricity, water etc) saka bayad sa staff nila