Kung mag-isa ka lang, kakayanin naman syempre dahil no choice ka pero mahirap talaga. Ako ngayon, 2 weeks wala asawa ko at sa gabi kami lang ng mga bata, kapag sabay sila umiyak, hindi mo na alam sino uunahin mo, hindi ko mapakain yung isa hanggat hindi pa tulog yung isa, etc. Mas mainam pa rin po kung may makakatulong ka, at least maka-idlip or kain ka man lamang kung kinakailangan. Pwede namang yung kasama ang sa gawain bahay para naka-hands on ka pa rin sa mga bata. Naiintindihan kita since introvert rin ako. Nakakapagod ang makisama kahit mabait pa yung tao. Kaya setup namin, stay out si ate. May work ako so 7:30am - 5pm ang pasok ni ate, mon-fri (minsan pati Saturday). Pero mahirap rin kasi humanap ng matinong kasambahay ngayon so hindi ko sure if you'll be able to find such flexible schedule tulad nung kay ate namin ☺️ Nung una, sobrang wary din ako kay ate hanggang sa unti-unti gumaan ang loob ko sa kanya at ngayon ay buong-buo na ang tiwala ko sa kanya. Yung anak ko, hindi pwedeng hindi sya yayakap at kiss kay ate pag paalis na, kaya kampante rin akong she's treating my kid right dahil mahal na mahal rin sya ng bata. Nakikita ko rin naman ang pagmamahal at malasakit nya sa amin. Dati nung mag-isa lang ako with 1 child, 1am na ay naglalaba pa ako, or linis ng bahay, etc. (don't even ask kung nakaligo na ko 😢). Ngayon, si ate na lahat nagkukusa (despite na usapan namin ay bata lang ang trabaho nya). Napakaswerte namin kay ate...
Kung naka budget naman po, Mas maigi po may kasambahay. Ganyan po ako dati ayaw ko nang katulong sa bahay dalawa na anak ko toddler pero mahirap talaga katagalan po kasi mapapagod tayong mga Nanay sa gawaing bahay sabay alaga sa mga bata, minsan hindi na din nagkaka me time. Ewan ko na burn out po ako Hanggang sa kumuha nalng po kami nang katulog sa bahay at tumutulong naman din sa pag aalaga sa mga bata, Mas gumaan po pakiramdam ko at nang husband ko.,Sometimes need talaga natin magka time magpahinga para rin sa mga Anak at asawa natin, feeling ko na aachieved ko yan dahil sa may katulong sa bahay.