congenital heart disease

Sinu po dito may anak na may congenital heart disease? Gusto ko lang ng makakausap. Sobrang stress na ko.

23 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hello! Ako po sa case ko mismo may congenital heart disease (CHD-VSD) kung tawagin. May butas ang heart ko at may bara ang ugat. 28 years na kong meron nito inborn. 28 years na rin po akong pasyente ng Philippine Heart Center. Need daw po masarhan ang butas ng may CHD gaya ng sakin. Muka naman po akong normal kung titignan walang sakit. Awa ng dyos. Never pa po ako inatake, nagkakaron lang ng pagpapalpitate. And may baby na po pala ako hehe. 4 yrs old na ngayon, high-risk pregnancy ako. Sa Philippine Childrens Medical Center ako pinaanak, dun ako nirefer ng heart center. Normal Delivery na painless po ginawa sakin di po ako pinaire kasi bawal.. kaya ginamitan ng forceps si baby. Sa ngayon, buntis po ulit ako.. 5 months. Alam ko po mabigat sa dibdib may sakit ang baby lalo na kung CHD, gaya ng naramdamdaman ng Mama ko sa akin, pero wag po kayo panghihinaan ng loob. Mabait si God. Gagaling rin po ang baby nyo.. Mas maigi po kung sa Philippine Heart Center nyo patignan sa Out-Patient Division po. God bless po, Mommy.

Đọc thêm
3y trước

Ask ko lang po. Inborn po yan sakit nyo na chd? Ksi ung pinagbubuntis ko ngaun my chd

Pano nalaman na may sakit sa puso si baby mo sis? Sa loob p lang ba ng tiyan na nalaman na agad na may sakit sya? At saka ano ba naging fidings sa bawat check up mo sa center nun yung pinagbubuntis mo sya.. one time kasi ung nagpacheck up ako first time na nadetect na ang beses ng tibok ng heart ni baby kaya nirefer agad nila ako sa ospital nun at pinaBSP pero yung nakuha ko nman yung result ng BSP ko at nagpacheck up ulit ok na heartbeat nia.. kaya nagtatanong ako sayo sis kung pano nadetect na may sakit si baby mo sa puso.. kinakabahan kasi ako para sa baby ko nasa lahi kasi ng asawa ko yung pagkakaroon ng sakit sa puso...

Đọc thêm
3y trước

Sa akin po ngaun buntis ako nalalaman na my congenital heart disease baby ko sa congenital anomality scan

Ang sakit po kasi sa puso, hindi po makikita sz newborn screening ... malalaman nyo lang po na may sakit sa puso ang isang bata pag naipanganak na siya may symptoms kasi na bluewish baby o ung mga baby na nangingitim ung bibig nya lalo na pag umiiyak it means possible may butas siya sa heart, may iba naman na parang hirap huminga nangingitim ung mga kuko at bibig , malalaman lang na may problem ang puso ng baby kapag pina ECG and 2D echo nyo po siya .. dun malalaman lung Normal ba o Hindi ung pintig ng puso nya .. Base po sa ibat ibang pedia dr. Na nakakasalamuha ko samin sa heart center 🥰

Đọc thêm
4y trước

Hi mam pwede pm tayo may itatanong lang ako. 😢

Pacheck up nyo na po agad sa Philippine Heart Center 🥰 maraming baby po ang naoopeharahan samin ibat ibang cases po at halos lahat po tlaga gumagaling 😊

may baby din ako na may sakit sa puso at ngayon wala na po sya 🥺 Kayaaa laban lang mommy gagaling din si baby pray ka lang palagi 😊🙏🏻

Influencer của TAP

Hello po. Don’t fear mommy. This is the best time to run to God and magdasal. Praying for you po and keep the faith!🙏🏻

Thành viên VIP

baby ko naconfine sya bronchopneumonia, dun din namen nalaman na may CHD-VSD sya. 3mons old lang sya.

same po tau mommy me chd rin baby ko 3 months old pray lng po tau

Ako po sis. 1yr and 4months na baby ko. Tetralogy of Fallot case niya

4y trước

Inoperahan sya sis? Same case po ng baby ko 8months pa lang sya

Hi po ung butas po b sa puso nakita din un sa abnormalities scan?

5y trước

Ang alam ko kasama sa pwedeng madetect yan sa CAS