0-3months old, Ilang damit at baru baruan need lang po bilhin?
Hello mga mii, first time mom here. 21weeks na po ako, and wala pa po kaming idea if ilang piraso ba ng mga damit at baru baruan need bilhin for the first 3months ng baby? Ayaw naman po namin bumili ng marami kasi baka di rin magamit lahat. Hoping may makatulong po sa akin. Thank youu #askmommies #AskingAsAMom #firsttimemom #pregnancy #firstTime_mom

Wag masyadong damihan ang barubaruan dahil mabilis lang lumaki ang newborn. Yung bilhin mong pajama at short ung 0-12 mos. If malamig frog suits, if mainit sando at short lang. Maganda ung de zipper or de tali lang, ung snaps kasi maingay nagigising ung baby pag madaling araw. Lampin damihan nyo po. Mejas parang 0-2/3 mos lang nagamit pati yung mittens kaso mabilis mawala ung mittens haha. Swaddle blankets or muslin blankets po para mahimbing tulog ni baby sa gabi. Tapos tip ko lang para maaga matutunan ng baby yung tulog ng gabi sa umaga kapag gabi patay dpat ilaw or dim lights, tapos sa umaga dpat maliwanag.
Đọc thêmHello, mommy. Sa akin, 3 short sleeves, 3 onesies, 6 long sleeves, 6 pajamas, 6 frog suit. Then tig 6 na towels & 6 muslin towels for swaddling. Later na ako bumili ng swaddle na di zipper & di Velcro. Tapos 4 na bonnet, pair ng mittens at booties. Damihan mo ang lampin, square/rectangle muslin towels, or bibs gamit na gamit sya before 3 months dahil sa palalaway and for sure pagnagngingipin na. Twice or Thrice a week kami naglalaba. Kaya naman, turning 3 months na ang LO ko.
Đọc thêmhi mi. in my experience sa first born ko. 5 sets of newborn clothes lang binili ko. then the rest ng mga damit niya is 6-9mos na ang binili ko. mostly pajama, sando, tshirts, and shorts lang binili ko. and now sa 2nd baby ko (34 weeks preggy) di na ako bumili kasi magagamit pa niya yung clothes ng 1st born ko. boy yung panganay and girl naman si bunso.
Đọc thêmako po tig-iisang dosena kasi ihiin ang baby sabi ng mother ko, so better na marami ang bilin para di madalas maglaba. pero hanggang 1 dozen lang 'wag naman over dami kasi mabilis lang naman sila lumaki
2nd time mom. 7 days set ng baru-baruan binili ko. the rest puro terno pangbahay na. walang frogsuit, hindi kami naka AC. pajamas, short-sleeves only
thankyouu
sakto lng bilin mo mga 2 to 3weeks mo lng kasi mgamit yan dhil mbilis lumaki si baby may nbibili set sa online pra hndi ka malito sa pgbili
consider ilang beses bibihisan si baby per day at tuwing kelan kau maglalaba. kami, morning and evening ang bihis ni baby. once a week ang laba.
same. depende pa sa baby ko if pawis or nakawiwi or may poop ubg damit palit agad
Sakin tig 6pcs na sando, short sleeve, long sleeve, short at pajama lang. Then yung iba over all na lang bibilihin at one siez.
thank you so much po mii sa lahat ng response niyo♥️
Hoping for a child