8 Các câu trả lời
ang tagal ko na hindi sinusumpong ng asthma, habang naglabor ako sa 2nd baby ko last sept16,2019 sinumpong ako ng asthma. sobrang nahirapan ako ilabas si baby dahil bawat pag ire ko kinakapos ako ng hininga, habang nag lelabor ako pinag nebulizer at inhaler na ko pero wala parin. Hanggang sa sinabi ni midwife na kelangan ko na mailabas si baby dahil matagal na syang labas/pasok hindi na maganda sitwasyon nya. Sa huling pag ire ko at di ko na nman kinaya, tinulungan na nila ko ipush may dumagan sa tyan ko para mailabas na si baby,. lumabas si baby di nagalaw at nahinga. nakikita ko pinapump yung baby ko, natulala na lang ako at nagdasal sa isip ko.. sa Awa ng Diyos nakita ko gumalaw si baby at narinig ko ng umiyak.. Sobrang pasasalamat ko..
Mamsh ako may history na tinubuhan dahil lumala asthma ko naging pneumonia na 50/50 ako that time and i was on my 1st trimester and 1st baby. My pulmonologist injected me a lot of antibiotics pero sinabihan nya agad ang daddy ko at asawa ko na mgging risky yun sa baby. Nagmiscarriage pa ako that time.. ngayon i was preggy again on my 2nd baby 1st trimester inatake ulit ako pero di na ako nagpasaway punta agad ako ER at dahil kilala naman pulmo ko sa mga ospital dito nalapatan ako ng tamang gamot mamsh. Im on my 21weeks now and stable ang lungs ko regular check up talaga ako sa pulmo at OB ang mahal ng gastos ko pero okay lang as long as safe kami pareho ng baby ko 🙂
May active asthma po meron naman inactive sakin nung 1st trim inatake ako 1week, ginawa ko po para mawala, kalamansi na may honey, iniinom ko po every lunch and mga mayayaman sa vitamin c na fruits po. awa naman ni Lord, malakas resistensya ko, dati sa umaga nagigising ako may sipon, nawala po sya after ko magconsume ng fruits and kalamansi with honey. yan lang po gamot ko. saka iwas sa malalamig po.
meron din ako ng asthma, ngtritrigger kpg buntis ako. lately, inubo ako ng 2nd trime na, ngpachekup ako sa pulmo ksi di mkuha kuha sa antibiotic ubo q, hayon binigyn ako resita na seretide, parng inhaler at naging ok hngng nangnak ako last wk
Ako thank God di pa ko sinusumpong. May asthma rin ako since birth.
Ako din momshie may asthma since birth,awa ng dyos di nako sinumpong after ko mag7yrs old. Pero may time na pag inubo ako at dirediretso kinakapos ako ng hininga. Namana sakin ng panganay ko asthma ko😓6yrs old na panganay ko sana bago siya mag7 mawala na asthma niya kung hindi,dadalhin niya un gang paglaki. Nung pinagbubuntis ko siya awa naman ng dyos di nako sinumpong ng asthma hanggang sa maipanganak ko siya,di ako nahirapan. Eto preggy nako ngayon sa 2nd baby ko mag32weeks. Sana di niya mamana asthma ko. At sana din di ako mahirapan na ipanganak ko siya. Pray lang tayo palagi sis🙏
Ako po, first time mom.. Nung kataposan po ng July na admit/confine po ako due to Severe asthma in acute exacerbation.. Complikasyon po talaga ang asthma sa pag bubuntis po ayun po sa ob nmin sa office.. 1 week din po ako dun. D na po kc kaya ng nebulizer at mga inhaler.. Injectable na po na mga antibiotics at steroids yung tinurok sakin.. Tas ntong Sept sinugod na nmn ako dahil sa case na yun ulit.. Pero ngayong oct mild nlng sya at thanks God d na ako gnun ka hirap.. Kaya lang ngayong araw na to 40 weeks na ko d pa rin ako nkakaramdam ng signs of labor. Nung 39 weeks ako closed cervix pa din.. Kaya my chance na ma cs
Up