Adik sa online games si Hubby

Sino po same sa akin na adik sa online games ang asawa? Ano pong ginagawa nyo? Sa sobrang kaadikan nya, halos ilang oras na lang sya natutulog. Work from home sya. Matutulog ng past 11pm (minsan mas late pa) tapos gigising ng 4am morning para maglaro before mag work Habang nagwo work, nag oonline games pa rin. Nag resigned na sya, pero tinatanggihan magagandang opportunity dahil sa schedule. At onsite. Gusto nya, work from home pa rin (understandable naman dahil most of us preferred to).. namimili din sya ng schedule ng pasok 🤨, at gusto mataas din sahod. Sabi ko sa kanya, starting ka ulit, don't expect na malaki agad sahod tapos mapili ka pa. Ayun, hanggang ngayon, wala pa rin sya trabaho 😑😑😑 At habang walang trabaho, puro online games ang ginagawa 😑🤨🥲. Mas lalo syang nagkaron ng time. Pag lalabas kami, hindi mo ma enjoy moments kasi lagi syang nagmamadali or para kaming Cinderella na may oras talaga pag uwi dahil MAGLALARO PA SYA 😮‍💨😮‍💨😮‍💨 Feeling ko tuloy, second family kami. 1st family nya ang online games. Eto pina priotize nya, binibigyan ng maraming oras. Pag may papagawa ako, puro "mamaya, after nitong laro ko", hanggang sa ako na lang gagawa 😮‍💨 May work ako at may 1 kami anak. Ilan beses ko na sya kinausap about sa online games addiction nya, pero sya pa talaga nagagalit or sumasama loob sa akin. Tulad nung isang araw, tinanong ko sya kung hindi ba sya nagsasawa sa ginagawa nya, buong maghapon nakaupo at nakaharap sa laptop or cp. Kahit weekends, ganyan sya ( in a nice way ko to sinabi, malumanay). Aba, sya pa sumama loob. Ano daw pinapalabas ko? Nakakasawa na sya. Totoo lang, mas matanda ako sa kanya ng 1 year pero mas matanda na sya tignan sa akin. Nakakalimutan na mag ayos ng sarili (minsan, hindi na nakakaligo dahil sa busy sa laro nya). Kung wala lang siguro kaming anak, malamang iniwan ko na sya 😮‍💨. Kaso, mahal ko sya at ayaw ko lumaki anak ko sa broken family UPDATE: 1 month na syang walang work. Kahit mother nya, tinatanong ako kung anong plano na ng anak nya. Kung kelan kasi magpapasko, wala syang trabaho. Hindi rin makompronta ng nanay nya. Kinausap ko sya kanina, sabi ko, i grab mo na kaya yung offer sa kanya (BPO) pero mag aral at the same time para pag nag change career na sya, may alam pa rin sya. Hindi naman nya prinactice yung pinag aralan nya, sinong employer ang tatanggap sa kanya 🤦‍♀️. Sumama na naman loob Sa mga nagsasabi na layasan ko na sya, yes, gustong gusto ko na po. Kung ako lang talaga kaso may 1 year old baby ako. Hindi kami pwede sa bahay ng parents ko dahil siksikan na rin sila dun. But I am saving money to buy my own house (walang tulong ni hubby) para may mapuntahan kaming mag ina. Nakakaawa din kasi si baby. As of now, i am saving money para sa amin na lang ng anak ko. Hindi na ako umaasa sa asawa ko 😔.

7 Các câu trả lời

Ang mga lalaki kasi hanggat nakikita nilang okay "pa" tayo na kahit nagrereklamo tayong pagod na pero nakakatayo, nakakalakad pa tayo hindi yan kikilos, maniwala ka. Alam kasi nila na yung galit mo ay consolable at sad to say, eto yung star t ng pagiging martyr ng isang babae. Ako, I don't tolerate especially if it will affect my sanity. Nagagalit ako, sinasabi ko ang nasa loob ko, lahat ng inis ko at pinapakita kong hindi ako tau-tauhan lang na will say yes sa lahat ng gusto nya. Kung wala syang plano sa buhay nya at gusto nya forever mag laro ng online games, ibigay mo ang hilig. Nakakapahod magsabi sa taong obviously ayaw magbago. Di uubra ang silent treatment da mga ganyan so mag decide ka sooner sis. Yes, it is reasonable to stay in a relationship for our child's sake, wla naman may gusto ng broken family pero mas mahirap mamuhay at gumising araw araw ng hindi ka na masaya. Nakakapagod ng ikaw nalang ang gagawa ng way para maging okay kayo. Mahal ko un asawa ko pero alam nya hindi ako yung tipong maghahabol. Marunong ako mag compromise sa ibang bagay, pero alam din nya na diko forte ang pagiging martyr. May stable job ako at nakikita nyang na kaya ko mag alaga ng mga anak namin kahit puyat na puyat ako galing trabaho. In short, nakikita nyang kaya ko kahit wala sya kaya siguro takot din sya gumawa ng kalokohan or kung ano man. What I'm trying to say sis is, the more na pinapakita mong ok lang sayo ang ganyang treatment nya, mas lalo mo lng sya binibigyan ng reason to treat you that way. Minsan kailangan din naten maging matigas wag puro emosyon ang papairalin kasi dyan ka matatalo. Learn when to say No and when enough is enough. Teamwork ang pagiging magasawa pero kung ikaw nalang ang laging iintindi, maybe its time for you to think if that is whats really best for you and your child. Goodluck sis.

kung ako sayo iwan mo na yan. ginawa mo naman na ang lahat, kinausap at nakiusap ka na sknya pero wala padin. Anong mapapala mo sa asawang tamad? palamunin na nga hnd pa maasahan sa gawaing bahay or kahit family time. wala na sya pangarap para sa pamilya nyo. Sya pa galit kapag pinagsabihan, kapal ng mukha. Sorry your husband is abuser emotionally,mentally,financially. Kung kayo mahal nyan hnd nya dpat yan gingawa. Hnd na naawa sayo at sa anak nyo. Pero alam mo mas naiinis ako sa mga nagtotolerate ng mga ganyan tao. Siguru iba lang tayo personality pero saken bigyan ko ng ultimatum yan kapag hnd nagbago sorry iwan ko yan. Hnd na ako mag aaksaya ng panahon at effort pa sa ganyang klaseng lalaki wlang kwenta. Kapag alam mo ang worth mo at deserve mo bilang babae,bilang nanay at para sa anak mo hnd ka papayag na ganyanin ka itrato ng asawa mo. Kaya nagkakaganyan yan pano sinanay mo. Akala nya ok lang syo na mga ginagawa nya kapah nagtuloy tuloy. Try nyo layasan yan tignan natin if anong gagawin nya. A responsible man,father and husband will never do that to his family esp to his wife. so mag isip isip ka if gusto mo pa makasama ung lalaking pabigat lang sa buhay nyo.

VIP Member

As a gamer din na may gamer na asawa. Pareho kaming babad sa online games before kami magkaanak. As in pinagpupuyatan namin at naglalaro pa nga habang nagwowork. Ngayon, bonding parin namin maglaro at naglalaro din minsan mag-isa si hubby pero may limitations. Alam niya kung dapat muna itigil maglaro, kung need niya muna magluto, maglaba, mag-alaga kay baby, mag work or tumulong sa bahay. May mga games na hindi pwedeng ma pause once nagstart na like ML kaya nung kakapanganak ko palang and di pa ako makakilos ng maayos, tinigil ni hubby mag ML and naglaro muna siya ng games na pwede niya ma pause anytime na may ipaapasuyo ako sa kanya. Kung gusto talaga may paraan at kung ayaw maraming dahilan. Need maramdaman ng asawa mo yung consequences ng actions niya. Wag mo hayaan na laging okay ka lang sa ginagawa niya. Be understanding but not too much kasi baka maabuso ka. Need niyang marealize na mali yung ginagawa niya kasi addiction na talaga yan and it's also for his sake din naman kung maoovercome niya yan. Kung hindi, siya rin ang kawawa sa huli.

Ganyan din asawa ko lagi nakatutok sa cp o laptop dahil sa online games. Madaling araw na natutulog. Hindi na nakakapag goodnight at good morning sa amin ng mga anak nya kc late na natutulog at late na nagigising. Pag nasa bahay ako at nakikita ko sya na nag lalaro na naman at minsan pa ngisi ngisi pa dahil dun sa laro nila parang mga group chat sila dun na Iinis ako. Minsan na nga lng nya kami makasama kasi lagi sya wala tas ngayon na nandito ganun naman ginagawa. Wala na din kami bonding mag asawa di na kami nakakapag usap ng sa amin mangangalabit lng Yan pag kelangan nya na. Minsan d ako makatulog pag katabi ko at sige padin cp inaatupag tas ako nag iintay mamalayan ko tulog na sya pag tingin ko sa oras madaling araw na Pati ako na pupuyat. Mas ma igi pa na nasa trabaho sya less ang streess ko. Nararamdaman ko na parang wala lng ako sa kanya lalambingin lng ako dis oras na at Kung may kelangan sya.

kung sana napagkakakitaan nya ang paglalaro nya e. pero kung pampalipas oras lang nya tapos yung oras nya e dun na lahat, abay ibang usapan na yan mamii. try mo umuwi muna sainyo, subukan mo sya kung magbabago ba sya or hindi. kase sabi mo kinausap mo na pero wala padin eh. aksyonan mo na mii, sakit sa ulo si mister mo sa totoo lang tayo. hehe ang hubby ko naman tong its ang laro hahaha nauutusan ko naman, pero hintayin muna nya lumakas ang boses ko hahaha.

Addiction na talaga yan mi, na need ng attention. Wag mo itolerate yan, bigyan mo ng ultimatum, may inaalagaan ka pa na anak, tas ikaw pa nag work at sa gawaing bahay.. Bigyan mo ng leksyon, uwi ka muna sa parents mo if hindi sya magbabago.

Bigyan mo leksyon mi. Layasan mo muna, dun muna kayo sa parents mo 😆

Câu hỏi phổ biến