Adik sa online games si Hubby
Sino po same sa akin na adik sa online games ang asawa? Ano pong ginagawa nyo? Sa sobrang kaadikan nya, halos ilang oras na lang sya natutulog. Work from home sya. Matutulog ng past 11pm (minsan mas late pa) tapos gigising ng 4am morning para maglaro before mag work Habang nagwo work, nag oonline games pa rin. Nag resigned na sya, pero tinatanggihan magagandang opportunity dahil sa schedule. At onsite. Gusto nya, work from home pa rin (understandable naman dahil most of us preferred to).. namimili din sya ng schedule ng pasok 🤨, at gusto mataas din sahod. Sabi ko sa kanya, starting ka ulit, don't expect na malaki agad sahod tapos mapili ka pa. Ayun, hanggang ngayon, wala pa rin sya trabaho 😑😑😑 At habang walang trabaho, puro online games ang ginagawa 😑🤨🥲. Mas lalo syang nagkaron ng time. Pag lalabas kami, hindi mo ma enjoy moments kasi lagi syang nagmamadali or para kaming Cinderella na may oras talaga pag uwi dahil MAGLALARO PA SYA 😮💨😮💨😮💨 Feeling ko tuloy, second family kami. 1st family nya ang online games. Eto pina priotize nya, binibigyan ng maraming oras. Pag may papagawa ako, puro "mamaya, after nitong laro ko", hanggang sa ako na lang gagawa 😮💨 May work ako at may 1 kami anak. Ilan beses ko na sya kinausap about sa online games addiction nya, pero sya pa talaga nagagalit or sumasama loob sa akin. Tulad nung isang araw, tinanong ko sya kung hindi ba sya nagsasawa sa ginagawa nya, buong maghapon nakaupo at nakaharap sa laptop or cp. Kahit weekends, ganyan sya ( in a nice way ko to sinabi, malumanay). Aba, sya pa sumama loob. Ano daw pinapalabas ko? Nakakasawa na sya. Totoo lang, mas matanda ako sa kanya ng 1 year pero mas matanda na sya tignan sa akin. Nakakalimutan na mag ayos ng sarili (minsan, hindi na nakakaligo dahil sa busy sa laro nya). Kung wala lang siguro kaming anak, malamang iniwan ko na sya 😮💨. Kaso, mahal ko sya at ayaw ko lumaki anak ko sa broken family UPDATE: 1 month na syang walang work. Kahit mother nya, tinatanong ako kung anong plano na ng anak nya. Kung kelan kasi magpapasko, wala syang trabaho. Hindi rin makompronta ng nanay nya. Kinausap ko sya kanina, sabi ko, i grab mo na kaya yung offer sa kanya (BPO) pero mag aral at the same time para pag nag change career na sya, may alam pa rin sya. Hindi naman nya prinactice yung pinag aralan nya, sinong employer ang tatanggap sa kanya 🤦♀️. Sumama na naman loob Sa mga nagsasabi na layasan ko na sya, yes, gustong gusto ko na po. Kung ako lang talaga kaso may 1 year old baby ako. Hindi kami pwede sa bahay ng parents ko dahil siksikan na rin sila dun. But I am saving money to buy my own house (walang tulong ni hubby) para may mapuntahan kaming mag ina. Nakakaawa din kasi si baby. As of now, i am saving money para sa amin na lang ng anak ko. Hindi na ako umaasa sa asawa ko 😔.