micro cheating?

mga mommy pa advice naman po.. cheating na po ba yung ginagawa ng hubby ko, nahuli ko kasi sya may kausap na babae sa online games na nilalaro nya, although di naman masyadong sweet pero ang dating sakin iba.. halos magkasama naman po kami 24/7 and mabait at responsable naman po sya pag dating sa pagaasikaso samin.. pero mas madalas po talaga nagoonline games sya, at ayun nga po may isang player nga po dun na babae madalas nya talaga kausap, nagtatanungan pa sila kung kumain na, nagbibiruan.. nakakainggit lang po na parang mas marami silang kwentuhan kumpara sakin na asawa nya.. nahuli ko na din po yan sya dati sa isang online games din "bes" pa ang tawagan nila nung babae.. tapos nung kinumpronta ko sya itinigil nya po yung pag lalaro nun, ngayon bago nanaman na online games at may kausap nanaman sya.. ano po ba magandang gawin?

1 Trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

pagbawalan mo and make sure na di na nya uulitin.