baby

Sino po same case dito? 6mos na si baby, napapansin ko unti lang sia umihi tas may parang powder like na pink ang ihi nia? Advice naman po. Tnx

baby
12 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

Magandang hapon! Ang init!!! Marami pong mga magulang ang nagmemessage po sa akin tungkol sa kulay pink o orange na mantsa sa diaper ng babies nila tuwing iihi. Halos lahat sa kanila ay hindi naman nanghihina, malakas pa rin magbreastfeed at hindi nilalagnat. Maaaring ang stain na ito ay mga "urate crystals" na meron naman talaga sa ihi ng babies pero mas nakikita lamang ito kung concentrated ang ihi. Dehydrated? Maaari. Dahil sa init ng panahon, madalas pagpawisan ang baby, mas kailangan nilang dalasan ang fluid intake. Ibig sabihin, si mommy kailangan mas dalasan ang pagbreastfeed kay baby, at damihan ang pag-inom at pagkain ni Mommy. Kailangan ba dalhin sa ospital? Kung masigla po si baby, hindi nilalagnat at umiihi po 6x a day, hindi kailangan. Kailangan ng urinalysis? Observe lang muna. Kailangan na ba magformula? Hindi po. Ang breastmilk po ng ina ay at least 80% water kaya much better pa rin po anf breastfeeding. Kung more than 6 months old, na ang baby, pwede na ng kaunting water pangtulong. Kung hindi pa rin mawala ang stain kahit madami na fluids at nilalagnat si baby, paunti unti ang ihi, saka makipagugnayan sa doktor for a urinalysis. Ano ang mas malalang senyales ng dehydration na kailangan dalhin sa ospital? Kahit ano dito: 1. Walang ihi sa loob ng 6 na oras. 2. Irritable o walang malay ang bata. 3. Uhaw na uhaw si baby at irritable 4. Walang luha, malalim ang mata at tuyong tuyo ang loob ng bibig. Kapag ganito, ipagbigay alam sa pinakamalapit na ospital para madala sa ligtas na ER. Magbigay ng ORS (oral rehydration solution) habang naghihintay sa pagpunta sa ospital (magtanong online sa doctor na maaring makatulong sa dosage).

Đọc thêm
5y trước

Maraming salamat po. Malaking tulong po ito.

Super Mom

Masyado po concentrated ang ihi ni baby pag ganyan, frequent breastfeeding po or give your lo sip of water since 6 months na po sya para sure na hindi dehydrated si baby. If walang pagbabago consult with a pedia po

girl po ba anak niyo? usually kapag girl tawag jan "pseudo mens" pero madalas kapag 1st few months pagka panganak... parang Blood ni mother ni mommy ang lumalabas sa baby

Super Mom

Baka po masyadong concentrated weewee ni baby mommy.. Padedehin niyo po or pwede niyo na po painumin ng water since 6 months old na si baby😊

Nagka ganyan din si baby ko sabi ng pedia nya sa inut daw ng panahon tapos padedehin daw ng padedehin

Thành viên VIP

Parang kulang po ata sa liquid pag ganyan. Padidehen nyo lang po ng padidehen.

nag ganyan din po baby ko nung 1 month sia, uti po kapag ganyan, may dugo po ihi nia

5y trước

Ganun po ba? Pero never pong nilagnat at nag iiiyak si baby po.

ganyan din si lo pero konti lng.. nung nag 6 months sya wla na din.

Post reply image
5y trước

wla po hinayaan ko lng. 6 months si lo ko ngyon wla na din nmn at madami na din wiwi nya.. pero pag bumalik ulit ipapa test nmin ung wiwi nya. bago check up kasi nag pa check up n kmi kailangan daw ipa test muna ung wiwi ni lo.

Patsekup mo na kgad si baby pra sigurado..

Pag ganyan mami better bring ur LO sa pedia

5y trước

No problem