16 Các câu trả lời

Struggle ko bilang first time mom noong 2011/2012, naranasan ko kung gaano kasakit manganak. Pati recovery period yung paghihilom ng episiotomy. Hirap magpoop at magpee. Mahapdi sobra. Isa pa sa struggle ko yung magalaga ng baby. Kasi maski pagkarga di talaga ako marunong noon. Nakakatawa pag naaalala ko kasi nakagawa ako ng baby pero walang alam sa pagaalaga. 😆 Isa pa yung nagpadede ako pero wala talagang lumalabas. Pinisil pa ng bongga ng masungit na nurse nipple ko wala talaga. Ayun. Sa iba ibang nanay dumede anak ko.

Marami.. nung naCS ako sobrang hirap ako kumilos tlg nun 1-2days sa ospital inaalalayan pa ko ni hubby papuntang cr saka inaangat pa ko sa bed. Nung pag uwi kulang nlng buhatin ako.. nung pinapadede ko c baby nagsusugat masakit pero tiis tlg pinapalo ko c hubby sa sakit.. nung aalisin na bandage ng sugat ko takot na takot ako pero tinatawanan lang ako ni OB wala naman pala sakit.. pero mas grabe para skn ung baby ko inuubo naiiyak na ko c Lo d sya umiiyak sa ubo nya pero ako ung mas naiiyak tlg.

akala ko magaling na ako sa puyatan.. akala q lang pala un 😂😂😂 ewan q pero parang nakakaantok lalo magpadede... minsan nkapikit ako nagpapadede o kaya nkapikit sasayaw kaloka 😂 sb q nga eh... sana kahit minsan lang... mkatulog ulit ako ng 8hrs straight 😂 parang I need a break at mukang bibigay na katawan ko hahahahaha pero nakakasurvive padin naman 😂 1month26days baby girl^^

VIP Member

Inverted nipple ako pero pinadede ko parin hanggang sa nagsusugat na padede parin , tiniis ko hanggang 6mos sa awa ng dyos gumaling na tapos lumabas na nipple ko breastfeed kami hamggang 1yr and 5mos tpos bigla na lng sya umawat gusto mag bote 🤣

Mahirap ung kulang na kulang sa tulog pero kailangan mo pa rin gampanan ang role mo bilang nanay at asawa. Minsan yata feeling ng mga tao ang nanay hindi napapagod eh? Hahaha pero mas na appreciate ko ang nanay ko ngayon!

Yung 1st month pinakamahirap. Haha. Pra akong zombie nun. Pero nung lumagpas na sya 1 month, nakakayulog na sya nga 4 hrs straight. Hanggang ngayun, mahilig sya matulog. Tapos dede tutulog agad sya haha

Naging struggle ko yung magisa nalang ako sa pagaalaga kasi balik trabaho na asawa ko. First time mom din ako. Ang hirap haha pero somehow masasanay tayo, conscious effort to embrace the new season.

Ako Yung may nakadkit sayo na baby 24/7 haha. Natuto nako kumain with one hand, mag Cr Ng kasama sya, magbihis Ng one hand. Haha

Sobrang clingy haha kinakabhan nga ako pagbalik Ng work Baka ma miss ko sobra. 😂

VIP Member

Struggle ko yung puyat! Haha. Iba parin kasi ang puyat na nakukuha from binge-watching sa puyat na nakukuha tuwing nagpapadede. 😂

Hahahahaha true mamsh. Natuto nako mag palit diaper at magpadede ng nakapikit hahahah

Hinde makuha agad ni baby yung utong pag dumedede sya kaya napilitan ako magformula milk. Grabi kasi iyak nya pag ganun.

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan