14 Các câu trả lời

Para saan daw yan sis? Hnd ko din mahanap kahit sa MIMS. mukhang bagong drug lng at bka hnd pa registered. Tapos bka dumadaan pa lng sa clinical trials or experiment sis na kelangan itry at alamin effect nya sa tao tapos bka kinausap nung drug company ang OB mo na yan ang ibigay sa mga pasyente nya tapos imonitor nya ang effect kung maganda at wla side effects. Sabihin mo nlng sa OB mo na hnd mo hiyang at parang ayaw ng katawan ko ung lasa nung gamot tapos try mo papalitan. Kung hnd naman ay try mo mgpacheck up sa ibang OB. Pwede ka din naman mgtanong dito kung ano na mga iniinom nung ibang preggy. Depende kasi sa stage ng rpegnancy ung iniinom na gamot sis

halos same po yan ng iniinom ko na reseta sakin ng ob ko, myoga naman yung brand. para po yan sa brain development ni baby, maganda po na vitamins yan para kay baby, para maiwasan yung mga complications sa brain development ni baby habang lumalaki. pwede nyu po search yung *fish oil for fetal brain development, para mas makita nyu po ying benefits ng vitamins na yan. pinapainom po sakin ng ob ko yan simula ng nagbuntis ako at hanggang sa makapanganak daw po ako. hope it helps 🙂

Ganyan po vitamins ko. Bale 60 capsules din nainom ko ganyan then pagbalik ko sa ob ko ibang vitamis na. sinearch ko din yan sa google, sa una nagworry ako pero syempre dika naman bibigyan ng ob mo ng makakasama sayo at sa baby mo. Okay naman yan, medyo struggle lang sa pag inom kasi malaki yung capsule 😅🤣

Multivitamins po yan..ganyan din po iniinom ko ngayon.ung folic acid ko.pinaltan nya ng.multivitamins since may folic narin naman sya..magtiwala po tayo sa mga OB natin.hindi po sila magrereseta ng makakasama sa mga pasyente nila..

ganyan din po iniinom q mula nun 1day delay aq nag pa check up aq yan na agad binigay na vitamins q hanggang ngaun 13weeks na po aq.. 3 ang na puntahan q OB lahat sila yan ang reseta skin..

Omega block po yata yan. Nireseta din po sakin yan ng OB ko dati, di ko lang nabili kasi wala sa pharmacy na malapit samin...

bat di mo tinanung sa ob mo sis ? 🤣sya na nagriseta at kaharap mo din naman sya.. di rin lahat nkikita sa google sis

Pasensya ka na may mga pagkakataon na hindi talaga naitatanong lahat lalo na't first time ko lang po mag buntis at wala pa akong alam sa lahat ng bagay na dapat itatanong. Di po need mag laughing emoji. Alam ko naman na vitamins yan for me and baby kaya lang ako nag google to know more depth details about it and look for reviews kung nag ccause ba ng pagsusuka sa iba or what bago ko inumin. Nagbakasali lang naman ako rito na baka may same rin na umiinom at baka mas na explain sa kanila ng ob nila at mashare ang exp kung may effect sa kanila.

yan po ang laman ng oviral capsule. alternative tuh if ung iron n tinitake muh is masakit s tyan.

Ayan po may nakalagay sa baba (fish oil, DHA, EPA). Multivitamins po para kay baby

same saken ganyan iniinom ko . trusted naman kase si Ob ang nag reseta .

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan