26 Các câu trả lời

Ako po! 2 weeks ago may rectal bleeding pa kaya pumunta ako kay OB at binigyan ako ng Lactulose. 28 weeks ako nun. Safe yun, kahit kasi sa first born ko, super constipated din ako at un din nireseta sa akin (nagbuntis ako sa ibang bansa nung time na yun, which was almost 11 years ago). This time around, mas hirap ako sa pagdumi. Kahit madaming water, prune juice, papaya plus lactulose, halos every 3 days at medyo hirap pa din. Ang prune juice mas may effect sa akin pero it will make you gassy talaga pero hindi na super effort. Sabihin mo kay OB, momsh, kasi may safe remedies naman para sa ating mga buntis. Take care!

Me. Nagstart maging constipated pagpasok ng 13 weeks. Hirap magpoops. 3 days minsan tas di pa ganun kadami. Madami ako uminom ng water at nagyayakult once a day. Napansin ko na nahihirapan ako magpoops pag kumakain ako ng saging. Kaya this week, di ako masyado nakain ng saging. Nagchange ako sa mga citrus fruits na mafiber and mas napadali ang pagpoops although di padin everyday pero every other day na.

Ako mga nasa 12weeks palang constipated na. at hindi ako sanay na hindi nakakapoops ng umaga. kasi regular at maayos talaga poops ko before pregnancy. pero ngayon pahirapan kasi hindi ko din pinipilit mailabas kasi baka mapano si baby. More on water at fruits ako tsaka kapag andyan na, di ko pinipigilan kahit nasa gitna ng pagkain. 😁

ako nung una constipated nmn ako, pro sabi nila bawal daw umiri ng tudo, ginagawa ko nlng bago mag poops inom muna marami tubg, so far ngaun kaht hindi ako araw2 nag poops ok nmn, d na ako nahihirapan, iwas2 lng dn sa mga pag kain na hindi madali matunawan, dn more water lang, tas prutas na din,

TapFluencer

naging constipated ako since 1st tri. 16w na ako today. nung una nagpareseta ako kay OB kasi naiiyak na ko, dami ko kinakain, wala ako nilalabas. pero hindi ko tinetake lagi. tas nagyayakult lite din ako. yogurt. saging. sa gabi, anmum. nakakatulong sakin ang anmum para mapoops 😅

ibang klaseng saging po yata ang nakakaconstipate. nakatulong sakin yung malaki, yung kasinglaki ng nasa 7'11.

May times din ako mi na constipated ako , mas dinamihan ko nalang ngayon ang fiber sa diet ko para mas mapadali mapoops. Usually breakfast ko ay oatmeal or cereals. Tapos kailangan talagang sikapin na mahalin ang pag inom ng tubig para lagi ka din hydrated.

Meeee 6 days ako di naka poop last wk. Pinagtake ako ni ob ng Lactulose 2tbsp at bedtime, nailabas ko naman ung ayaw lumabas kinabukasan haha kaso hirap pa din talaga. Ayoko naman sya itake everyday tho very safe naman daw un

TapFluencer

sa mga araw na hindi ako nag gugulay, constipated ako. kaya i regulary eat veggies and fruits. 1/4 rice na lang ako daily. half ng plate ko gulay. pref leafy veggies or isually brocolli and cauliflower ako

nasa banyo po ako now, constipated for 2days na hahahhahahahaha increase water intake lang. ako kasi nakakalimutan ko. maginstall na nga ulit akong water reminder app e. 8weeks preggy here.

ako din hirap noon pero mag nagawa ako para di ako hirap , more on water yakult every single day tas oats sa breakfast effective for me pero kahit water lang ng water ok naman sakin .

Câu hỏi liên quan

Câu hỏi phổ biến

Những bài viết liên quan