35 Các câu trả lời
may classmate ako nung college ako nabuntis siya pero hindi siya nagstop. wag k magstop mii sayang nmn. wag mo na isipin pa sasabihin ng iba, mas gugulo isip mo kung isipin mo din bf mo. pero mas dapat magisip bf mo kung makita k nya sa school. pinabayaan k nya, malay mo mii tuwing mkita k ni bf mas makapagisip siya mali pinabayaan ka nya. pray ka lng lagi mii mlalampasan mo din yan
college na din ako 3rd year and malapit nako manganak, continue mo lang bebs ang pag aaral for your baby’s future wag mo isipin ang sasabihin ng iba hindi naman sila yung bubuhay sa baby mo ikaw. as for your ex naman karma is the key nalang and pag sisihan nya na hindi nya kayo pinanagutan. fighting lang student momsh kaya natin to…
mamshie may classmate kami dati sa college na buntis pero hindi namin sya hinusgahan instead naging maalaga kami sa kanya dati. wag ka masyado mag overthink mamshie, may mga tao din namang mababait hindi nag didiscriminate. lagi mong iisipin ang future ni baby at and isang key jan ay ang makagraduate ka at mabigyan sya ng bright future.
TULOY MO MOMMY KUNG ANO YUNG NASIMULAN MO 😊 HINDI HADLANG ANG PAGKAKAROON NG BABY SA PAG AARAL 😊 HUWAG MONG ISIPIN YUNG SASABIHIN NG IBANG TAO GANUN TALAGA 😘 HUWAG MO NA RING ISIPIN YUNG TATAY NG ANAK MO DAHIL KUNG TALAGANG MAHAL KA NYA, HINDI NYA KAYO IIWAN. IBIG SABIHIN LANG NUN .. HINDI SYA TUNAY NA LALAKI 😒😑
continue & laban lang mi, walang pwedeng makahadlang sa pangarap mo.💓 tuloy lang ipakita mo sakanya na kaya mo kahit wala sya at ipagmalaki mo kung buntis ka, hindi ka lang naman nag iisa marami ding sitwasyon na ganyan atleast makakatapos ka at mapapamuka mo sa ex mong walang bayag na kaya mo!!!!😊
If I were u. I'll stop Muna then continue ur college once kaya na at nailabas mo na baby mo. You need peace of mind lalot na pregnancy stage ka. Di porket tumigil sa pag aaral eh tumigil nadin ung pangarap. Hindi lhat ngiging success agad after mkagradweyt Ng college. remember that.
Tuloy mo momsh, may klasmate ako dati college buntis siya malaki na tiyan niya 4th yr kami nag oojt kami s hospital nagpatahi siya maluwag na uniform, npaka understanding din nmn lahat ng naging proctor namin at caring sakanya.. tuloy mo lang mami ipakita mo sa ex mo kakayanin mo
I'm 7weeks&5days pregnant then I'm 1st yr college I suggest you can take modular po kung gusto nyo ipagpatuloy, ako kase dahil preggy magmomodular nalang ako para less hustle din. Since Valid naman yung reason mo. But it depends to school kung nag tatanggap sila ng modular hehe
as long na pinapayagan ka pumasok kahit pregnant ka, tuloy mo lang sis. pakita mo na kaya mo. maging palaban ka. may classmate din ako nung college preggy sya.4th yr kami nun. naka support kaming mga classmate nya sa kanya. nakatapos naman din sya. 😊
mommy same situation po tayo right now. ako po 32 weeks na preggy and late na nag inform ang school na f2f pala ang class kase sabe hybrid. nahirapan po ako mg decide if i should continue kasi cathloic school yung pinag aaralan ko
Anonymous