9 Các câu trả lời
May G6PD po ang anak ko! G6PD Decifiency or Glucose-6-Phosphate dehydrogenase Deficiency ang full name. Nakikita po ito sa Newborn Screening. Madaming pumupunta sa clinic na worried dahil daw may G6PD ang anak nila. Kasama pa ang lolo at lola. Gusto nilang malaman kung ano ang kahihinatnan ng apo nila. Ang dami raw kasing bawal na pagkain at mga gamot. Baka raw kasi mapalagay sa peligro ang bata kapag na expose sila sa bawal. Bawal raw ang soy sauce! Bawal raw ang Dingdong na snack! Bawal raw ang beans! Bawal raw soya at marami pang iba! Yung iba may narinig pa raw na baka raw mapunta sa pagiging retarded o yung mahina ang pagiisip o baka raw sa Leukemia kaya umiiyak sa kaba ang pamilya. "Ganito yun Daddy and Mommy, Lolo at Lola" ang sabi ko sa kanila. "Wag muna kayong magpanic!" "Number one po hindi napupunta ang G6PD sa Leukemia. Ang leukemia ay cancer. Walang kuneksyon ang G6PD sa cancer. ". Hindi rin napupunta sa retarded. Yung nasa poster ng newborn screening kasi na bata na mukhang delayed ang pagtubo ay hindi po yun G6PD, iba po yun na sakit. Ang G6PD po ay matagal ng nasa mundo. Kahit panahon pa ni Lapulapu at Magelan andito na po ito. Hindi po ito bagong sakit. Napapasa po ito sa lahi. Pero ngayong lang itong may test na naimbento kaya parang biglang dumami ang positive. Ibig ko sabihin, malaking tsansa na kayong mga magulang at lolo at lola ay may G6PD. Marahil ako rin ay mayroon kaya lang di natin alam dahil wala tayong test noon. Dati wala namang pinagbawal sa atin at sa mga kinanu-nunuan natin, eh wala naman mga narinig tayong nagka-anemic nalang bigla at G6PD ang diagnosis. May narinig na ba kayo sa lahi niyo na kapag sumawsaw ng ulam sa toyo ay naadmit dahil nagiging anemic? Iba po yung kailangan lang ng vitamins na Iron ha. Hindi po yun sila anemic dahil sa G6PD. Anemic lang yun na natural kaya binibigyan ng Iron. To be honest wala pa po akong nasalinan ng dugo na dahil sa G6PD sa tagal ko na pagiging Doctor. Ibig ko sabihin medyo bihira talaga ang nagkakaroon ng simtomas na Pilipino. Likas na matibay ang lahing Pinoy, bigay yan ng Diyos sa atin. Ngayon hindi ko rin sinasabi na baliwalain natin ang mga payo patungkol sa mga bawal ng G6PD. Ang ibig ko lang sabihin ay wag nating ibrand ang batang may G6PD na weak or masakitin. Kung baga po, hindi lang po tayo kumukuha ng explaination sa libro kundi po sa practical na obserbasyon sa buhay o sa history. Kung sasabihin nyong meron talagang naadmit na may G6PD sa lahi niyo dahil kumain ng beans o sumawsaw ng soy sauce at biglang na-anemic ay ibang usapan na yan. Pero kung wala naman, relax lang, kasing normal niyo yung anak niyo. Ang pinakabawal ay yun paring binabawal ko sa lahat ng mga bata, kahit may G6PD man o wala. 1. Bawal ang magspray ng insecticide na may baby. 2. Bawal ang bumili ng antibiotic na walang pahintulot sa Doctor. 3. Bawal ang junk foods. 4. Bawal ang moth balls. 5. Sa gatas syempre breastfeeding is best. Avoid nalang sa soya milk. Cow's milk nalang if wala ng breastmilk. 6. About sa pagkain naman, avoid lang sa fava beans. Eat healthy lang din po. Bawal ang sobra. Paminsan minsang sawsaw sa soy sauce ok lang. 7. Bawal ma expose sa mga toxic na chemical. Bottomline, para sa akin ang batang may G6PD ay normal na bata. Kung tumanda ang lahi niyo dati at walang nangyari kahit walang mga bawal, ano nalang si baby? Lalo't na't meron ng mga healthy advise. Addition: hindi niyo rin po pwedeng sabihin na madali lang ubuhin o siponin ang anak niyo dahil may G6PD siya. Wala pong kuneksyon. Note: ang payo po na nabasa niyo ay ang aking personal at practical na payo. Kung gusto niyo pa pong maiintindihan ng malalim ang G6PD may link po akong nilagay sa comment area. Dr. Richard Mata Pediatrician Like and Share Para sa dagdag pa pong tips please like @Dr. Richard Mata. #drmatag6pd
Ung pngalawa Kong anak n boy may g6pd. Mdami bawal n pagkain lalo soya bawal dn mkaamoy ng moth balls. Basta po every time n magpa pacheck up kau s khit anong doctor mention nyo po n my g6pd xa. Sa awa ng dyos 9 years old n xa at healthing healthy
anak ko G6PD, bawal sa kanya soya, fava beans, may mga antibiotics dn na bawal..sa foods nmn ok nmn yung may toyo di nmn xa as in bawal na kainin or iwasan. pwede nmn daw kainin bsta hindi lang palagi at pakunti2 lang sabi ni pedia nya..
Paano po kung napakain ko sya nang cerelac na may halong suya? Kasalukuyan nyang cerelac ngayon? Dapat ko na po bang Hindi ubusin te?
Wala po akong anak na may G6PD, pero yung husband ko may pamangkin na may ganun, may list na binigay ung pedia nya sa kanila.. Mints, berries, soya, too much chocolates, etc..
2 months baby ko may g6pd,ano mga bawal sa kaniya?sabi kasi ng pedia igoogle ko nalang,meron sa google para sa mga kumakain na.
Yung first born ko meron bawal sila sa soya menthol fava beans processed foods berries
usually po bawal soya sa may ganyab po sabi ng friend ko na may anak na may g6pd
Babae dW po carrier ng skit n yan (X-link) at mdalas s baby boy lumalabas.
Ganun po ba yun? Sakin kasi boy din baby ko and meron syang g6pd
Soya, lahat ng nuts, tapos yung asin nila ata yung di pa iodized
Cardino April Chua