29 Các câu trả lời
nkakainggit na nakakatuwa magbasa ng mga replies po dto.. kc ako po lumalaban sa pcos for almost 3 years but still hndi pa dn po pinapalad lahat na po kc ata nagawa ko magtake ng pills magtake ng metformin magtake ng pandiet pills magtake ng kung ano anong gmot.. mabawasan lan ako.. kain ko mnsan sa isang araw isang beses lan but still mataba pa dn ako.. i dont know why bat ganun.. iniisip ko nlang... cguro hndi pa ito yung tamang panahon para skin heheh mnsan iniisp ko baog na ata ako 🤣🤣🤣 nkaka baba lan ng confident pero umaasa pa dn na sana maramdamn kong maging isang ina 🙏🙏🙏
March 2018 Sis diagnosed ako with PCOS both ovaries, then pinagmetformin ako nung unang OB na nagcheck sa akin. Then nagpalit ako lagi kasi syang wala, after noon, dinagdag nya folic acid para paghahanda sa pagbubuntis. March 2019, nagpalit ulit ako OB, tapos ayun cleared na pala ako sa PCOS. Then pinagPapSmear nya ako May 2019, may infection at trineat ng 1 week. June nabuntis na ako :) 4th month na ni baby ko ngayon :)
Sana po may makapansin pa din sakin I have PCOS po Ang positive po ko sa mga test. pero Wala pa pong nakitang sign of pregnancy pinapabalik po ako after 2 weeks sa Dec. 20 po. and now po bale nagbbleeding po ako pero Hindi po malakas minsan po mga 10mins. ganun tapos Di Naman na po nagtutuloy tuloy. baka po may maiadvice kayo kung ano po itong nararamdaman ko salamat mga momshie 🫶
PCOS din ako sis, both ovaries nag pa alaga lang din Kay OB Folic Acid, Duphaston lang meds ko saka nag bawas ng Kain, iniwasan mga bawal na foods, nag exercise saka healthy lifestyle din, Pregnant na din now. Wag mawalan ng pag asa kung para sayo dadating din yan.
me! pcos since 2015. took pills for 3 years, then nag normal, then after wedding ng 2020, nagka-pcos ulit, mag under go pa dapat ng medication ulit pero after 2 months nabuntis na. now, 8 months preggy. diet and prayers prayers prayers lang talaga momsh ❤
Me momsh! I found out nung 2019. Took medicines for how many months. 2020 nabuntis ako. Hindi ko alam kung dahil ba naka work from home ako at napahinga ng onti o dahil less stress din. Due ko na anytime soon
pcos ako both nagpositive today then few days ago after namin mag do may dugo ako pero kapag nag do lng kmi nagkakablood pero pag di kmi nag do wla nman ako spot or bleeding . ano po kaya ibig sbhn nun?
Ako sis, nalaman ko meron akong pcos way back 2016 tas nung 2019, naglowcarb ako, ngayon im pregnant lapit na manganak. Tiwala lang sis magkakababy ka din. sundin mo lang c ob
Me. PCOS both ovaries since 2018 then May 2020 nag lowcarb ako, regular exercise and supplements and Nov 2020 nabuntis na po ako 😇💕PRAY NG MARAMI PO 💕
Ako po. Pcos both ovaries, and retroverted pa. Diet, exercise and prayers lang mamsh. Eto na si baby ko. 3mos na siya
JM Ramirez