ANAK SA UNANG KINAKASAMA

Sino po dito yung partner nila may anak sa una? Kamusta po ugali nila? Every Sunday kasi off ng asawa ko. Yes, asawa po kasi kasal kami. May anak po sya sa una nyang nakalive in at 7 years old na. Every Saturday night is sinusundo na ng asawa ko yung bata at ibabalik ng Sunday ng gabi sa nanay. Nagstart po last year yung ganitong set up. Yung bata po is medyo may attitude. May anak na din po kami ng asawa ko. 2 years old. Same silang girl. Every time na nandito yung bata, lagi nyang nasasaktan anak ko. May mga times na umiiyak anak ko dahil nakikita ko na lang na tinutulak sya, pinapalo o kaya inaagawan ng toys ng bata. Sinasabihan din na ugly yung anak ko. Noong una nakakapagpasensya pa ko. Kinakausap ko yung bata na wag gawin yun sa kapatid nya kasi bad yun. Ang ending mag iiyak yung bata at sasabihan akong evil witch. Kaya kami ng asawa ko ang nagkaka away lagi dahil akala nya pinapatulan ko yung bata. Last week napuno na ako. Tinulak na naman nya anak ko, nauntog sa may pader tapos tawa sya ng tawa habang iyak ng iyak yung anak ko. Akala nya hindi ko nakita, kaya napalo ko talaga sya. Ang hirap mga momsh

39 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Marahil nasulsulan na ung bata sa side ng Mom niya.. Kaya habaan mo nalang ung pasensiya mo pagpakamother ka nalang din sa kanya turuan mo para maging mabuti siya. ang pagpalo sa kanya ay mas lalo niyang isipen na masama ka kaya instead pakitaan mo siya ng mabuti hanggang sa lumapit ang loob niya sayo sa inyo ng Anak mo.. Kausapin mo siya in a calm voice lang pag may ginawa siyang mali at may masabi siyang salita sa anak mo at sayo kc kapag taasan mo ng boses at oagalitan siya hinde effective un sa kanya mas lalong sasama ang loob niya sayo.

Đọc thêm