48 Các câu trả lời
Pag local account kasi usually minimum siya or slight above minimum. Yung pambawi mo na lang dun yung HMO at kung may incentives. Sa globe ako before 1st bpo ko minimum lang salary kaya kumuha lang ako ng experience then lipat sa international. Hindi kasi nakakabuhay yung sahod eh.
Nag start ako sa BPO ng 12k way back 2009. So kung kukumpara mo ngayun, medyo maliit na sahod na yan. Hehe. Pero kung malapit lng place mo, tapos di ka nangungupahan. Pwede na din. Kesa andun ka sa tig 25k isang bwan,tapos sa byahe pa lang, pagod ka na.
If undergrad ka, no experience sa bpo, or hindi malaking company, acceptable 12k/month for me. Depende rin sa account kung seasonal lang ba yan for 6mos kase usually kapag project based mababa lang talaga. 😊
Starting ko yan noon but that was 9 years ago.. for me maliit. Hanap ka pa iba dami BPO na malaki ang offer.. ikaw ang pipili hndi sila ang pipili sayo 😉
Kung nasa Manila ka maliit yan. Pero kung provincial yan ang basic talaga. Samin yan ang basic pay. Cavite located ang ofis namin.
For me oks na yan. Haha. Samin nga 10k lang e. Tapos bonggahan pa haha di na kami makakakin on time. #ShopiPriShipping😂
Wag ka mayabang na renta lang yan. That's the reality na merong local acct. na mababa offer. At hindi rin lahat kayang makapasok sa international account. Marami akong nirefer sa company ko na di nakakapasa so no choice kundi magstay sa local account na minimum wage yung sahod.
masyado mababa sis, 18k offer sakin labas pa dun incentives/commissions nagtototal ako in a month ng 35/40k
No .. under pay kapag 12k per month tpos andto ka sa manila.. unless 12k basic plus allowance .. pwede un
Oo local account lang kasi eh pero depende kasi yan sa company pdin. May kakilala ako 10k nga lang eh
Kung provincial rate po... Acceptable naman. Kami nga noon, 10K lang. Less pa ang mgs deductions.
Fiona Carreon