40 Các câu trả lời
Hi po nanganak po ako noong June 21,2019 @29 weeks. My baby weighs 926 grams. Matagal din siya sa NICU. August 1, 2019 siya lumabas sa NICU @1.2 Kg. Ako naman, nakalabas ng hospital 3 days after akong manganak. Nung nasa NICU si baby, everyday po akong nagpa-pump ng milk. Hindi po siya madali. Umiiyak ako habang nagpa-pump kasi ang konti lang ng milk ko. Nagtiyaga lang ako hanggang dumami na siya. Umabot sa point na manhid na kamay ko(manual breast pump kasi ginamit ko;di ko like yung electric). Mahirap po pero kayang-kaya. May mga times na nilalagyan siya ng oxygen kasi nakakalimot siyang huminga. Pero normal daw yun sa mga premature babies. Tapos, pinapasok na ako sa NICU nung nagka-kangaroo na kami ni baby para madali siyang lumaki. Ngayon running 6 months na siya @ 5.6 Kg. God is good and He always knows His ways. Trust God po.
nag ka uti dn aq nu 26 weeks base on my ultrasound ko.. nacomfine aq 5days.. nune june2nd week lang.. tas nenetong week nato.. nakirot nnaman balakang ko. pero un kirot ay ganun un naramdaman ko nun nag lelabor aq s amga anak ko dati. pero nawawala naman kirot. kinakabahan parin😑😣 pero di naman aq nilalagnat. nun nag ka uti kc aq nanakit balakang at naninigas tyan ko at lagnat yun nga po mataas po u.t.i ko.. pero ngayon di nman aq nilalagnat un pinagmumulan ng kirot ng balakang ko un mismo gitna. naninigas din tyan ko at minsan nasakit singit at pempem.
cavite dn aq mamsh..naic.
Hirap nyan 29 weeks.. hindi sasabhn sayo ng mga naka duty sa NICU if ano tlga kalagayan ng baby mo para iwas nerbyos sayo, at para mastimulate mo sa katawan ang positive energy tuwing kangaroo care, sobrang dasal need mo nyan para makayanan ng baby mo... bsta galingan mo lang mag produce ng breastmilk mo kapag nag start feeding ka na... Tagal pa yan sa NICU 1 and a half pa stay cguro hanggang sa ma meet nya ung tamang size and timbang nya... Sending our prayers for you and your baby na makaraos agad... Godbless
Tama po . Ako din ganun eh 35 weeks and 5 days naman ako nanganak . Di sinasabi ng doctors sakin kung anung sitwasyon ng baby ko , nung nilipat nga sya sa ibang hopital di sakin sinabi para daw kasi di ako mag isip ng mag isip . Para lumakas rin daw ako agad .
yes po 8mos.. panganay ko nov10 dapat.. pero nanganak aq oct.8 1.7 di na inincubator k malakas naman sya. mag 10 yrs old na sya now.. un sumunod naman. june27 pa dapat. kaso may17 nanganak na aq. .2.4 naman sya. di narin inincubator malakas dn.. 7yrs old na sya.. tas last year nag ectopic preg. aq june. then this january buntis na aq buti ok na at thankgod baby girl na. kaso naging maselan aq as in.. para aqng nanganganay
Hi mommy, ask ko lang of gaano katagal bago nakalabas ng nicu si baby mo? 29 weeks din kasi nung na emergency cs ako sa baby ko and he is too small 630grams lang sya and he is still in nicu nakaincubator
Ako po 29 weeks nanganak almost 1month po baby ko sa NICU..pero thanks GOD ok na po sya ngaun turning 4 months na po sya..
Saang hosp po na nicu si baby nyo? Yung baby ko po kasi nasa medical city napakalaki na ng bill namin kaya we are planning to move him in a cheaper hospital sana. Ano po pala weight ni baby nyo nung pinanganak nyo sya?
Ako mommy way back 2015 29 weeks 5 days nung pinanganak ko panganay ko .. 2 months din sya nagtagal nun sa nicu
Mga nasa magkano nagastos nyo mommy sa hospitalization ni baby for 2 mos?
Mommy stay strong lang po para ni baby♥ Kaya nyo yan po. Will send prayers for both of you 😘😘
bat kaya ganun ano kung kelan 3rd trim. tsaka umaatake uti. kahit tubig nman ng tubig aq lagi
sending prayers for you and your baby! magpray ka sis at magtiwala sa Panginoon. God bless
Mary Rose Montales Jabas