Sino po dito nakakaexperience/nakaexperience na ung husband or partner nyo mabarkada pa din? Ung pag nag away kayo iiwas naman sya pero pag lumamig na ung sitwasyon balik inom na naman. Lagi din kasi syang inaaya ng mga barkada nya, dumadating na sa point na gustong gusto ko ng awayin ung mga barkada nya, mag aasawa din sila kaso ok lang sknila na iniiwanan nila ung mga anak nila sa bahay makapag inom lang sa labas ayoko kasi ng ganun.
10 yrs kaming naghiwalay, wala pa kaming 1 yr na nag sasama ulit. binalikan ko lang sya dahil hiningi sakin ng panganay ko kasi gusto daw nya ng complete family.
4 mos na kong preggy ngayon and parang nag sisisi ako na binalikan ko pa sya and nabuntis ako ulit ☹️
Ngayon, Gusto ko na syang pauwiin sa kanila para hindi na din ako nasstress and nagagawa na nya ung gusto nya. Tama po ba ung iniisip ko? Or masyado lang akong naghihigpit? Ang gusto ko lang naman kasi mag focus na sa family kasi kung di nya pala kayang walang barkada sa buhay nya sana hindi nya na lang kame binalikan ng anak nya. Eto din kasi ung issue namin kaya kame naghiwalay dati. Nangako sya na magbabago na sya kaya ko sya binalikan pero unti unti nababalik na naman sya sa dating sya..
Advice naman mga momsh...
Anonymous