26 Các câu trả lời
5weeks 1st check up ko, wala parin heartbeat si baby after 2weeks pinabalik ako and luckily may heartbeat na sya at 7weeks. 🥰 Momsh, panong abnormal daw po? Parang too early pa para makita na may abnormalities ang baby. Ako kasi before, 12weeks ako that time may sinabi ang ob ko na parang may problem daw sa head ang baby ko, sonologist kasi sya kaya lahat ng body part ng baby talagang tinitingnan nya pero that time hindi nya ginawan ng report. Umiiyak ako nung umuwi kami sa bahay dahil sa sinabi ng ob ko. Natakot din ang byenan kaya nag pa 2nd opinion kami sa ibang ob, nung pag check up sakin ok naman daw healthy daw si baby kasi malikot sya sa loob ng tummy ko. Hinahanapan kami ng report/findings sabi ko wala pong binigay. Sabi nya “oh, hindi nya nga ginawan ng report ibig sabihin di pa sya sure sa nakita nya. Pray lang” kaya ayun lumakas ang loob ko pray lang ako everyday na sana normal at healthy ang baby ko. 24weeks ako nag request ob ko na mag pa Congenital Anomaly Scan daw ako para makita kung may abnormalities nga daw. Sa awa naman ng dyos walang nakitang birth defects sa baby ko. Pero di pa sya lumalabas ngayon. Mag 7months palang ako. Praying parin ako everyday na normal at healthy sya. 🙂🙂🙂 Pakisabi sa friend mo na think positive lang at always pray. 🙏🏻🙏🏻🙏🏻
first pregnancy ko ganito.. naka 4 na tvs ako, 2 OB ang pinuntahan to confirm kasi di ko matanggap na di na matutuloy pregnancy ko. ung pang apat na tvs ko the day bago ko iraspa. umasa pa rin kasi ako.. 12 weeks na sana ko pero base sa size ng baby ko, 7 to 8 weeks lang siya. paliwanag sakin ng 2nd OB ko is mas mabuti na ganyan nangyari kasi body talaga natin ang nagreject kay baby kasi if matutuloy, baka may sakit siya or di makumpleto ang organs niya kasi may problema na nga. it can be your egg cell or your husband's sperm ang may problem. my 2nd pregnancy naman is okay naman a year after my miscarriage. now 5 months na ung baby ko. very healthy.
i agree sa sinbi ni mam ganyn din sabu ni ob ko .. be thankful pa din ki God daw ako kasi na detect ng early hindi paglabas ni baby ska siya my abnormalities or something n mas masakit mangyari
same sakin 6weeks po nagpa TV's ako .my yolk sac sya .Peru wala makitang heart beat o nmumuong baby. and sabe Ng ob ko Wala daw chance mabuo dhil nga my subchorionic hemorage ako .Kya d nya ko binigyan Ng pampakapit ..hintayin ko nalng daw duguin ako o raraspahin .. Peru d PO ko nawalan Ng pag asa .nag bedrest ako and Kain Ng mga masustansya and folic acid .balik ako after 2weeks nagpa TV's ulit ako .ayun healthy na at my heartbeat Ng nakita .Peru my subchorionic hemorage parin .but still bedrest parin ..now 18weeks preggy na po ko ..I hope na mging ok hanggang sa manganak po ko
hndi pa Po. .5mons preggy na po ngaun .. na hoping mging ok na gang sa manganak po ko .Basta wag PO mawalan Ng pag asa.
Ako po sis 9 weeks ko nalaman buntis ako nakainom pa ko ng pain reliever nun 6x dahil sa tootache which is sign ng pagbubuntis.. then nung pagka checkup ko pina vaginal ultrasound nakita na may subchorionic din ako hirap din hanapan ng heartbeat. pinainom lng ako pampakapit and bedrest until 7 and half months. Thank God ok ung baby ko nung lumabas 1and a half months na sya ngayon 😊maaga pa kamo sis ung 6weeks para sa heartbeat ni baby pray lng kamo and pag para sa kanya ibibigay yan ni God 😊 Goodluck and Godbless po kamo ❤
thanks momsh.. papabasa ko po to sa kanya...
Not the exact same case as that pero na-experience ko naman sa 1st pregnancy ko is Blighted Ovum. Inexplain sakin ng OB ko na kapag naka-detect ng possible threat or abnormalities yung body natin, hindi na nya itutuloy yung pregnancy. Kahit may tumubong sac, dinugo at na-raspa din ako noon kasi nga hindi na itutuloy ng katawan yung pagbubuntis. Sa case po ng friend nyo, maybe yung subchorionic hemorrhage ang dahilan bakit hindi successful ang pregnancy. May bleeding na sa loob.
thanks momsh.. papabasa ko po ito sa kanya..
ako po momsh, nagkaron ako subchorionic hemorrage nung 2nd ultrasound ko. dinudugo po kasi ako walang humpay. may namumuo daw pong dugo sa loob ko, di ko na alam kung sa ovary or what. kasi parang nabingi na ko nung kinakausap ako ng ob dahil nalaglagan na po ako nung 2019 .. pinag bed rest po ako. until manganak ako bed rest ako. thank God going 6months na po baby ko ngayon. stay safe mommy, eag pastress, pahinga ang need mo.
thanks momsh.. ipapabasa ko po tong mga comment nio sa kanya.. ❤️
I Personally experiences that at 5 weeks baby ko no heartbeat din sabi mg OB papa raspa kaso di ako pumayag nag pa second opinion ako sa ibang OB, and nagbigay sya ng mga vits and pampakapit tho nag set na sya ng expectation na after 15days if wala pa din so yun na yung journey ng baby , kaso after 15days, may malakas na syang heartbeat and he is now 14months. Baby Boy 😉
thank you momsh
Ito rin yong nangyari sa akin, umabot pa talaga kmi ng 3 ultrasound until sa last nag bleed na ako linaban ko pa from 6weeks upto 12weeks to think baka maaga pa but unfortunately hindi talaga sya para samin. Sabi din ng OB ko pag nag patuloy my abnormalities talaga yong baby. Until nag decide na kmi ng D&C masakit kong sa masakit pero kailangan tanggapin..
thanks momsh... and keep safe po.. sana nga po yan na tlga ung blessings nio... God bless you
sa akin po ngaun lumabas sa ultrasound ko na wala pong yolk sac at embryo.ang meron lang is yung bahay balutan niya.10weeks na po sya.ngaun po nag bebleeding ako..sabi sakin ng ob ko wait ko lang na lalabas yung balutan.pero pag di pa po lumabas hanggang sa katapusan ng february mapipilitan na po akung eraspa..😢
sa akin di pa sya lumabas.pero nag take na ako ng gamot para lumabas yung bahay bata
I experienced this last 2018. Sadly, I lost my baby. 6 weeks no heartbeat sa tvs. Embryonic Demise with subchorionic hemorrhage, after 3 days sguro nag bleeding nako from light to heavy taz binigyan nako gamot ng OB ko :( . Praying for your friend's recovery po
Anonymous