Araw-araw po naman talaga dapat nagpoops ang baby. Ang magkakatalo lang diyan sa appearance ng poops nya: Watery po ba, pasty, or buo po ba? Kung watery po signs na baka nag diarhea baby nyo. Pero kung pasty or buo naman, at magana naman si baby at walang fever, pagsusuka... ibig sabihin okay siya. Monitor nyo na lang din po kung may pagbabago.
Hi mii ano consistency ng poop ni baby? Soft or watery po ba? At ilan total bale poop niya sa loob ng isang araw? Bottlefeed po kasi siya means naka formula milk.. Possible kasi na di siya hiyang sa milk niya. Ang mga pure breastfeed babies kasi normal lang sa mga unang bwan na poop every after feeding pero pag formula ibang usapan na po.
ganito din baby ko sa nan optipro na milk, every after feeding napupu sya, watery sya tpos minsan parang igit lang konti lang, kaya nakakailan palit kami ng diaper, it means di po ba sya hiyang? ok sana nan sa kanya kase ang bigat nya at matakaw
observe nya mamsh kung hiyang sa gatas o hindi may iba kase nagtatae kase di hiyang