Sino po dito may history ng heart problem and preggy, pano po kayo nanganak? Ako kasi nung first to second tri sabi CS. Ngayon, may clearance ako from cardio na pwede ako mag normal pero sabi ng OB ko bawal ako bigyan ng mga gamot na pang induce ng contractions. Medyo kabado rin ako kasi nag symptoms ako ng Pre eclampsia nung 2nd tri pero ngayon ok naman na sana wag lang umulit. Gusto ko lng malaman experience ng mommies na same situation ko.