Single kuno si Guy

Sino po dito may experience sa guy na buong akala mo ay single dahil sa lahat ng ID, requirements at marital status na sinubmit sa workplace ay single? Sobrang sakit na matuklasan na matagal na pala siyang kasal. Hindi lang nag-update sa mga government benefits at hindi lang nagsabi ng totoo sa company dahil hindi naman hinihingi ang marriage contract sa company kung magsabi ka na single ka. Hihingiin lang kung nagsabi kang married ka. Wala rin suot na wedding ring. Ang sabi lang may ex siya. Unti-unti mo nalaman na may kinakasama siya, ang sabi hiwalay na sila at ex na. Yun pala magkasama pa rin sila. Worse, nabuntis ka niya. Months after malalaman mo, kasal pala siya sa sinasabi niyang ex at hindi pa pala ex. 💔 What to do?

26 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi
Thành viên VIP

sa mga ganyang bagay kasi lalo na ang tungkol sa pakikipagrelasyon dapat paganahin natin ang pagiging detective conan nating mga babae, jan tayo malakas e sa women's instinct at investigation skills. bago pasukin ang isang relasyon alamin muna lahat, lalo na family background ni lalake, kung saan sya nakatira sino magulang nya at pati mga kapatid at kaibigan kilalanin mo rin para walang pagsisisihan sa huli. and for you sis pakatatag ka lang kayanin mo para sa baby, hope you have learned your lesson and lagi lang pray kay God na bigyan ka ng lakas harapin yan pagsubok lang yan dami ako kilala na single moms na naging mabuti ang buhay. yung iba nga nakapagasawa ng maayos at masaya ang buhay ngayon

Đọc thêm