140 Các câu trả lời
Taas kamay pati paa q sis😁 mula nag 4 lonths hirap na matulog minsan nga wala pang tulog magdamag.. d din naman aq makahataw ng tulog sa araw kc d din aq maantok.. haaay pano na?? Ngaun nga 7 months aq nakakaramdam na q ng pagka hilo.. ung feeling na para ka nakalutang.. wala kang balance..sana d maka apekto ky baby.. pag kc alam nya matutulog aq sa gabi or khit sa tanghali nako wala syang tigil ng galaw sobrang likot nya to the point na nasasaktan na ko sa galaw nya so feeling q ayaw nya q patulugin kc cge na nga dilat kung dilat..ung eyebags q grabe na..
As much as possible, I sleep early, lalo na nung 1st trimester (around 6PM nga minsan, tulog na). Pero pagtungtong ng second trimester, mga 10PM na ako nakakatulog. Pagising gising na ako ng midnight or around 3AM dahil nangangalay ako sa paghiga sa left side o nananakit balakang ko, panay ihi o di kaya naiinitan. Itutulog ko ulit yan unless may lakad ako ng maaga o hindi na talaga makabalik ng tulog. I think nakakatulong sa pagtulog ko na nakapatay talaga ang ilaw, gabi ang intake ng ferrous and walang distractions like cellphones. 🤗
28 weeks Day 2 ko po ngayon at napaka active ni baby, madalas sa gabi sya malikot at kapag nakatagilid akong humiga kaya minsan halos 2am or 3am nako nakakatulog then gising ng 7am. Tulog ulit ng 9am or 10am gising ulit ng almost 1pm na. Maya't maya po ang pag cr pero minsan constipated pagdating sa pagpoop, madalas sumakit ang likod o tagiliran lalo na kapag medyo naging busy sa gawaing bahay.
Im 34 weeks and 4days na. Dati nung d pa ako buntis. 12 to 2 am talaga tulog ko. Pero nung na buntis ako. Kailangan 7pm done na akong kumain. Then 30 mins. pababa ng kinain. Mga 8pm linis na ng katawan then higa na mga 10pm stop na mag cp and try matulog. Pero nagigicing ako ng 2am and 4am para umihi. Then gigicing ng 7am. Ganyan routine ko now simula nung pumasok ako sa trimester nd nabago.
I feel you sis😞 simula ng nag 13 weeks saken wala nako maayos na tulog 22 weeks nako ngayon, hanggang 3am gising ako tapos maaga nagigising. Hirap ako sa pagtulog, lalo na ngayon lumalaki na tyan ko, feeling ko naiipit si baby sa loob everytime na hihiga ako sa side ko, left or right man. Pag minsan di ako mapakali, parang nangangalay ako
13 weeks. 2 or 3am na ko nakakatulog. Kahit anong gawin ko d ako makatulog ng maaga. Nilayo ko na cp ko sa higaan ko, nag yoga na ako, nagti tea ako pag tapos ng dinner, madaming inom ng water, healthy food. Wala pa din, one time naiyak na ako sa inis kasi kasi 10pm palang nasa higaan na ako. Then inabot na ako ng 2 am gising pa din ako. 😥
Me too mommies, inaantok na ako pag dating ng 11pm tapos hihiga di makahanap ng magandang pwesto paikot ikot lang, tapos aantukin ulit pero maiiihi naman or magugutom. 😅 16 weeks preggy. Worst ko 4:30am tulog then 8 am ggising para uminom antibiotic para sa uti 🤦♀️
ako madalas mga 2am. minsan mga 3 am. kaya antok na antok ako pag tanghali at hapon. wala akong ganang kumilos. tapos kailangan pang asikasuhin yung asawa ko ng umaga ng 8am pag uwi niya galing trabaho. kaya madalas wala ako sa mood pag nagigising ng umaga. 24 weeks
Out of topic po mga mummy's Who wants to earn fast and easy money just clink this link below and register then you just need to watch paid video on youtube.. No payment No money or any bank accounts involve..💯LEGIT‼️ https://rnivideon.space/797389310784638/
28weeks, 1am pinaka late ko.. Before puyat dn ako, halos araw araw kase di rin ako mtulog, minsan 3am 4am na ako nkakatulog. pero unti unti n nagbabago hehehe Pag nkakatulog ako ng tanghali, 12-1 na ako nkakatulog, pero pg di ako ntutulog, 10am tulog na ako.
10pm pala hahah
raquel ligutan