My baby boy Jhian Marco ❤️❤️❤️ EDD: August 17 2021 DOB: July 14 2021 CS-35weeks/1day #FTM

Sino dto naka experience na manganak Ng preterm ? Late upload na, now lang nakabawi sa puyat.. Anyway thankful ako sa panginoon dahil ndi nya kme pinabayaan Ng baby ko.. Sobrang hirap that time na hindi mu inaasahan na mangyayare un. July 13 2021 10:36 natutulog na kme Ng asawa ko, Ng bigla nalng may naramdaman ako parang may pumutok sa puson ko, tpos nagulat ako, kaya bigla ko ginising asawa ko Sabi ko ma parang may lumalabas sa underwear ko, then ayun Dali Dali aq pinatayo tpos mabilis ung pangyayare may tubig na naagas na sa mga Binti ko, un na nga mga mom's pumutok na panubigan ko agad agad kahit wala pa sa EDD ko, kaya dinala n ako sa hospital na pinagpapacheck upan ko.. Ndi ko na maikwento lahat na naging struggle namin Ng asawa ko nung gabi na un dahil sa walang incubator.. at ung hirap Ng baby ko sa NICU na nag stay xa Ng 11days dun.. finally kapiling na namin xa ngaun sobrang saya nmin mag asawa at ok na si baby...

My baby boy Jhian Marco ❤️❤️❤️
EDD: August 17 2021
DOB: July 14 2021
CS-35weeks/1day
#FTM
9 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

congrats momsh! pareho tayo july 14, 2021 din ako na emergency cs. ako naman july 13 palang naninigas na tyan ko kaya sabi ng ob ko padala na ko ng hosp para mamonitor kami ni baby. naging ok naman kami hanggang sa kinabukasan july 14 bigla tumamlay galaw ni baby kaya nagdecide ob ko na ics na ko. 36wks and 3 days naman baby ko that time. nung nilabas sya hingal sya kaya inoxygen agad at kinabitan ng swero. tapos kinailangan nya ilipat ng mas malaking hospital na may NICU para sa cpap at phototherapy at matingnan ng neonatologist. sa awa naman ng Diyos nakauwi kami sa ika5th day nya 😊

Đọc thêm