Week 32 of pregnancy

Sino dito yung first time mom and medyo takot kung kaya ba manganak? Takot ako sa hospital, never pa akong na-confine kaya nininerbyos ako kung kaya ko manganak 😔 Pero at the same time excited ako magka-baby. Kaya ko kaya yung pain? Paki rate naman yung pain from 1-10 😂 God bless and have a safe delivery everyone!

15 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

This is my 3rd pregnancy pero super haba ng gap from my 2nd child. Almost 12 yrs so para akong nanganganay ulit. And kahit naka 2 na ko na normaldelivery before natatakot pa din ako ngayon. Yung pain is...wala sa 1-10 lol 😂😥. I don't wanna scare you or anything but it's reality. Mas masakit maglabor for me than manganak mismo. Yung delivery parang napoops ka lang ng super constipated na gustong gusto mo mailabas. The whole ordeal is painful but I'm sure kayang kaya 💪Our body is capable of handling it. Praying for your safe delivery sis 🙏

Đọc thêm
4y trước

mas takot ako ngayon kasi unlike before bata pa ko lol imagine 12 yrs had passed. I've gained massive weight and well I'm definitely older 😂

Natural po n mtakot or kabahan tayo, pro pg ganun, mas mganda n mgpray mommy.. FTM dn po ako, ganun dn po nramdaman q nung ilang days n lng bago ang due date ni baby.. Nilakasan q lang loob ko pra ky baby.. Though grabe kaba ko nung ipinasok n ako s operating room for emergency CS (inexpect ko kc n normal delivery eh), ngpray na lang ako n sana mging ok ang lahat lalo n c baby.. Buti din mbait ung doktor q ska nurses, lagi nla cnsabi sken na "Mommy kalma k lang ha"..

Đọc thêm
Thành viên VIP

FTM din po ako, pinaka ayaw ko na place since bata pa is hospital, takot ako sa dugo. Pero simula nung buntis na ako, biglang nawala yung phobia ko sa hospital, napalitan na siya ng excitement. Hindi ko iniisip yung sakit, nilalagay ko lagi sa mindset ko na kaya ko at para kay baby kakayanin ko 😇.

nasa 6-7months tummy ko excited na talaga ako makita si baby ngayon 35weeks na halo halo na pakiramdam ko😔 natatakot ako ma C's naka breech pa so baby at dahil din sa e inject sa spinal tsaka sa tahi.. Pero Sana umikot pa baby ko 😇

lahat nmn yata tayo natatakot, FTM dn ako ngayon sbi nila pag time n naglabor ka hindi mo na daw iintindihin yung sakit na nararamdaman mo, ang iisipin mo nalang daw pano sya ilabas ng safe. kaya nten to mamsh pra kay baby. ❤

kabado din ako mga mommies 1st time din sa pagbubuntis. minsan kc sinasabi ng ob normal delivery pero pagdating sa hospital cs na pala. need talaga iready ang sarili at pera sa panganganak 😊 29 wks pregnant. #teamfebruary

Takot din ako sa hospital hahaha 😅. FTM din, pati sa injection ganun. Pero nung naranasan ko na parang wala nalang. Kaya ngayon yung panganganak naman iniisip ko, pero mas naeexcite ako kaysa natatakot.

Thành viên VIP

Kayang kaya nyo yan mommy. Ganyan din ako before pero ang inisip ko nalang di naman ibibigay ni Lord yan kung di naten kaya. Saka sila nga kinaya ikaw pa. Always pray lang po. 😊

pang 3baby ko na to pero bt gnun mas takot aq manganak ngaun ung dalawa kc parang wala nmn etong pangatlo kc mataas bp ko takot dn aq ma sc.

Influencer của TAP

di po pariha ang pain. may iba grabi masakit yung iba din naman para ok lamg. hehehe