17 Các câu trả lời
ako!! haha noon yun nung bago pa lang kami mag asawa pero now hindi na kasi hindi na nya ko ginugulo. 😂 na gets na din siguro namin ang ugali ng bawat isa kaya magkasundo na kami ngayon. pero dapat bumukod kayo. ituloy nyo yun. wag kayo papadala sa drama ng m.i.l. mo sa umpisa lang yan masasanay din yan na malayo anak nya. dapat talaga sya masanay na ang anak nya may asawa na. Magiging ok din kayo after mga ilang yrs. kami yata bago naging ok parang more or less 9 yrs.😁 Goodluck and God bless..
Sakin po napaka swerte ko po sa biyanan ko. Napakasipag at nagtitinda paren sa palengke nila. Sa totoo lang, siya nagbibigay ng mga pambili namin ng gamit ni baby at nakatira kame sa bahay nila mismo and sila rin may sagot sa pagkain namin. Napakabait sobra, lage pakong tinatanong kung kumain nako minsan inaabutan pako pang meryenda. Kaya pag nanganak nako tas naka recovery na babawi ako sakanya. Swerte ako sa asawa ko at sa mil ko :) Plus lahat ng kapatid at pamilya ng mil ko close ko hehe. SKL
Isa na ako dun. Sa dati kong kalive in.. yung mama nya nilagyan ng sili yung panty ko..😢 kasi lagi daw ako nagpapalaba ng mga damit sa kanya😢 actually tinatago ko na nga yung mga labahin ko pero hinahanap parin nya and then nung mama ko naman naglaba ng damit ng ex ko nuon di naman xa pinagmalupitan.. ang unfair lng.. pero syempre di naman namin nahuli sa akto ang kaso wla namang ibang tao pa ang may galit sa akin maliban sa mama ng dati kong partner 😢
Akoooooooo. Hahaha dinaig kasi ang tupperware sa kaplastikan. Mukhang pera paaaaa. Kahit malayo MIL ko, kinakabahan ako everytime nag chachat kasi panay hingi ng kahit ano at pag hindi napagbigyan, nagpaparinig sa FB na madamot kami. Sana naman nagtrabaho sya noh? Hindi yung iaasa sa amin lahat ng luho niya, may binibigay naman kami monthly sa kanila, wag sana abusado kasi nakakainis din eh.
relate na relate sis.. kulang nlng hingin yung bupng sweldo ni hubby.. pati load samin p dn inaasa ng mga kapatid nya. pti bayaw. kapalmuks dn.. mlpit n ko mapuno e.. ok lng kung ako lng.. e pti yung pra sa anak ko gsto nila knla.. mga taong nag-anak pra gawing retirement benifit o pension.. kakastress.. walang bukambibig kundi pera..
I won’t say napakamalas, pero I just don’t think magkakasundo kami dahil we’re too varied individuals. Iba kami ng orientation sa buhay, sobrang iba ng beliefs pero parehas kaming very opinionated kaya may chance talaga na magclash. There are so many things that we don’t agree on. My hope is that someday we’ll be able to co exist peacefully sa buhay ng asawa ko. Yun lang.
Ung mother in law ko okay naman siya kaya lang sa halip na ako alagaan eh siya pa ung alagain ko. Hindi marunong magluto. Ako pa magluluto kahit kakapanganak ko lang and kahit nung kabwanan ko na. Sinabihan pa ko na ayaw niya daw mag alaga ng baby.
me.. i feel you.. hnd lang mother in law.. lalo sa father in law.. wala akong ibng narinig kundi pera, pahingi ng pera, padalhan mo ko ng pera, kailangan ko ng pera. sa sunod mukha n clang pera..
So sad for you mamsh, no choice e kelangan mo pakisamahan. Bumukod nalang kayo ng tirahan para di ka malosyang sa inis. Ako naman ok kami ni mother in law, nung una lang hindi.
kahit anong pakikisama ko ginawa ko na tapos kapag andito asawa ko mabait sya sakin kapag wala pinagtataguan ako ng gamit saka pagkain ginawa ko minsan naggrocery kami para sa kanila at para samin ayun kung ano ano sinabi nya na pinagtataguan ko daw sya ng pagkain. kapag bubukod kami palagi hinahighblood malalayo na daw anak nya sa knya..
Kahit ano pa ugali ng byenan nyo sila pa din ang 2nd parents nyo kaya dapat prin ntin plawakin isip natin sa knla at pakikisama😊👍🏻
Thanks god. Kahit papaano okay naman mother in law ko. Sa isang anak niya lang HAHAHA lakas tama e.
Anonymous