Single Mom Need Advice, Please pakibasa kahit mahaba🙏

Single mom ako, no support sa father ng anak ko since buntis palang ako.. Mula buntis ako hanggang nanganak na andito nako sa poder ng magulang ko.. hindi kami mayaman saktong pamumuhay lang ang meron kami.. Kaya naawa ako sa anak ko gusto ko ibigay mga pangangailangan nya, 3months palang sya kaso wala ako magawa kasi umaasa lang kami sa magulang ko.. Need ko ng Advice, kinausap ko mama ko Sabi ko pag nag 1year old na anak ko magwwork na ako alagaan nya anak ko para naman kahit papano may maitustos ako sakanya at makabawi ako sa lahat ng gastos nila samin mag ina.. Kaso nasaktan ako sa sinabi sakin ng mama ko, hindi nya daw aalagaan ank ko kung gusto ko daw ipaalaga ko dun sa nanay ng ama ng anak ko. Nasaktan ako kasi my plano na ako tapos biglang ganun ssbhn sakin, ang una kong naisip agad paano na? paano na kami ng anak ko ?nsasaktan ako kc habang lumalaki sya hindi ko maibigay pangangailangan nya, paano ako mkkpag work wala mag aalaga sa anak ko? aasa nalang ba kami lgi? Ang hirap kasi yung inaasahan kong magulang Ayaw alagaan yung apo nila😭 siguro selos din nrramdaman ko kasi yung ate ko nanganak mula baby hanggang 4yrs old sya nag alaga,kc teacher ate ko, my pera may pang upa samantalang yung anak ko ayaw nya alagaan, siguro dahil wala namn ako natapos at permanenteng work. Kaso ang point ko ayoko ng maging pabigat sakanila, kaya gusto ko magwork para sakanila din yun at sa anak ko. Kaso wala ako magagawa dhil walang mag aalaga kundi ako.😟 Nakakasama ng Loob. Advice naman po ano ba dapat kong gawin?

10 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

Hi mommy. Pwede mo po obligahin na mag sustento ang tatay ng baby mo. Magpatulong po kayo sa nearest na police station na may Women's Desk. Bilang tatay, obligasyon po nyang sustentuhan ang baby nyo. Bilang anak, may karapatan po ang baby na makakuha ng sustento mula sa tatay. Bilang nanay, may karapatan po kayong humingi ng financial support para sa baby nyo. Pag hindi po sya nagsustento ay pwede po syang makasuhan. May laban po kayo. ☺ Yung sa pag-aalaga naman po, siguro po nabigla lang ang mama nyo nung nabanggit nyo ang balak nyo. Kausapin nyo po ulit. Wala naman pong hindi nasosolusyunan sa maayos na pag-uusap. Hindi naman din po nila matitiis ang apo nila. Tanggapin nyo na lang po kung ano man ang maaaring masakit na masabi nila bilang consequence po ng nangyari sa inyo. Kaya mo yan mommy. Pray lang palagi at huwag ka mawawalan ng tiwala kay Lord. ☺

Đọc thêm
5y trước

Salamat po. ♥️

Thành viên VIP

Baka nagtampo lang po si mama niyo sayo mommy, gaya ng sabi niyo di kayo nakatapos sa pag aaral, baka masama loob niya dahil nag trust siya sa inyo na makatapos po kayo ng pag aaral bago po kayo magka anak, lilipas din po yan pagdating ng panahon, intindihin niyo nalang po muna parents niyo, as of now diskartehan niyo nalang po muna na magka income sila po, kahit benta benta or anong skills or talent po meron sila na mapagkakakitaan nila, baking ba or mag luto sila kahit pastillas, yema or any sweets, desserts na pwede mabenta. Tapos pag naging successful bigyan niyo po magulang niyo para magumaan ang loob nila. Laban lang po tayo mommy, kailangan niyo po magpakatatag para kay baby. ❤

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ganyan talaga ang buhay Mommy. Bakit di mo nlng gawinghamon sa buhay mo yan? Malay mo china challenge k lng ng mom mo para magpursige ka sa buhay. Madami akong kilala na single mom at di din kasundo ang magulang nila pero natustusan ang buhay nila mag ina. For now, ang gawin mag isip k ng kongkretong plano, at yun ang ilatag mo sa mama. Syempre if pumayag na si mama mo magalaga kay baby sabihan mo sila na magbibigay ka din sa bahay. Minsan kasi masakit talaga magsalita mga magulang natin para matuto tayo sa mga pagkakamali natin. Thi k positive para maging positibo din mangyari sa inyo ni baby.

Đọc thêm

ako di ko pinaalaga sa parents namin ng asawa ko,ginawa ko naghanap ako ng trabaho na madadala ko yung anak ko,tapos na sila sa obligasyon nila sa pagaalaga samin magkakapatid,naiintindhan q na tapos na sila sa stage na un,besudes may mga kapatid pa kong nagaaral na need pa din naman asikasuhin ng parents ko,sana makahanap n ng work na pwede mo madala nlang yun anak mo,atleast wala nadin sila masasabi sa iyo makita nila na nagsisimap ka talaga,mahirap talaga sa una pero kayanin lang talaga

Đọc thêm
Thành viên VIP

Ilang taon na po mama nyo? Same situation naten. Wala din ako magawa kase di na sila makapag alaga ng apo. Matatanda na kase sila at di na talaga nila kaya ang bata. Lalo ngayun na 1 year na si baby mas alagain kase super likot na. Lahat na inakyat nya. Lahat ng butas kahit saksakan gusto sundutin. Kelangan talaga nakatutok ka lang sa kanya. Thankful naman ako na kaya magprovide ng asawa ko samen. Asan na ba daddy ni baby? Responsibilidad din nya ang bata. Pwede mo sya ubligahin magsustento.

Đọc thêm
5y trước

53 na po mama ko.. My contact ako sa parents ng daddy ng anak ko, nagbigay ng sustento 4k for two months tapos hindi na nasundan. hindi sapat yun para sa needs ng baby ko. Ang nkakausap ko lang yung lola ng anak ko, yung father ng babyko walang pakealam kahit dalawin lang o kamustahin wala. Kaya Naiistress ako, yung sama ng loob ko naiipon,iniiyak ko nalang sa gabi. wala rin namn ako makausap kasi andto lang ako sa bahay maghapon ang kasama ko lang baby ko. Kaya gustong gusto ko magwork na para sa baby ko😥

pakatatag ka sis. Para sayo at sa baby mo. Hayaan mo mga naririnig mong negative. Huwag ka papaapekto. Ganun talaga minsan ang buhay sinusubok ka. Kelangan ka ni Baby.

Suggest ko lang po . Hanap nalang kayo ng mapag kakatiwalaang mag aalaga kay baby kahit sa working hours niyo lang . Para po makapagwork po kayo .

Thành viên VIP

hirap ng sitwasyon mo sis nakasurname ba anak mo sa tatay? hinge ka sustento hanap mag aalaga no choice ka ayaw alagaan hire ka nalang katulong.

mamsh mag online selling ka malaking tulong din kahit nasa bahay lang ☺

pm moko sa viber sis