Since malapit na po ang undas, share ko lang po experience ko nung 3 months palang tiyan ko. Every night napupuyat yung tita ko dahil sa mga kalabog sa bubong namin (3rd floor sila, 2nd kami) Una akala nya pusa lang pero nagulat sya nung sinabi ng kapit bahay namin na laging may malaking ibon sa taas namin. So ang ginawa ng tita ko, inabangan nya at laking gulat nya na may pakpak nga pero hindi pangkaraniwang ibon, hindi nya masyadong nakita yung itsyura pero yung tunog na narinig nya hawig daw sa tiktik. Kinabukasan kwinento nya sakin at dun palang ako umamin na buntis ako. Gulat na gulat tita ko kasi baka ako daw ang naaamoy ng aswang. Sa sobrang takot ko, lagi kaming nag lalagay ng bawang sa bubong namin. Akala ko hindi totoo yung mga aswang kasi nasa Manila kami. Buti na lang na pa bless na namin ulit yung bahay kaya tahimik na sa gabi.