Good day. Ask ko Lang po Kung ano pwede ikaso SA ama na Hindi ngsustento SA anak,
Since birth wala binigay ang ama Ng anak ko, he kept on denying na hindi niya anak hanggang nanganak ako at kamukha niya. Anu dpat ikaso SA kanya, Una emotional damage ginawa sakin pangalwa kahit piso wala binigay
Economic abuse under RA 9262 po. Kung hindi po nakapangalan na siya ang tatay sa birth certificate ng bata, hahanapan po kayo ng ibang ebidensya na siya ang ama, gaya ng written admission ng tatay mismo o baptismal certificate. Kung wala talagang ebidensya (hindi po sapat na kamukha lang), kailangan niyo po magfile ng petition sa korte para kilalanin niya ang anak ninyo, pero sa mismong kaso na rin po kayo manghihingi ng DNA test, sariling gastos nga lang po.
Đọc thêmkong ayaw niya sa baby wag mo ng ipilit..hndi lng nmn ikaw ung may ganyang sitwasyon.kong kaya mo nmn buhayin yan, bkit mo pa ipipilit kong itinaggi na ng tatay niyan? gwin mong inspirasyon yang anak mo..swerte mo nga ei kc ksma mo anak mo. ako kc kinuha ng tatay nilayo sken, at ako ung nawalan ng karapatan sa anak ko..
Đọc thêmNaka lagay ba sa birth cert ni baby ang apelido ng tatay niya? Kung deni deny niya anak niya. Pa DNA mo kung hindi naka pangalan sa birth cert. para pag siya talaga tatay pwede ka mag reklamo para makapag sustento siya sayo. Kailangan kase ng proof na siya talaga ang ama.
Malabo po kapag hindi nakapangalan. Hindi rin po valid na kamukha nya, hindi yan tinatanggap sa korte. Pa lang po solution DNA po.
Hindi proof yun na kamukha lang niya. Need ng proof para makapag reklamo ka. Mahirap kase baka i deny niya ang baby pag ni reklamo mo siya dahil wala kang proof lalo na hindi pala naka pangalan sa birth cert.
Hindi po valid yung kamukha lang, kung sya po talaga yung tatay magpa DNA TEST po kayo kay baby and don sa sinasabi mo pong tatay niya. Then idaan mo na po sa korte.
hindi nyo po sya makakasuhan lalo na po at hindi naman po sya nakapirma sa birthcert.nang anak mo..pwede nya parin itanggi yan kahit na kamukha nya po ung bata.
True po, hindi po valid yung reason na kamukha nya lang. Madami pong magkakamukha na hindi magkakamag anak.
DNA lang po ang magiging proof if not indicated sa birth cert na siya po ang father.
DNA po para mapprove na sya ama then VAWC ikaso.
Kung hondi po nya apelido pwede nya pp talaga itanggi
sa mahal ba naman ng dna
Hoping for a child