15 Các câu trả lời
Wag po kayo makaramdam stress, mommy. Kasi pag stress po kayo, maistress din si baby. Chill lang po kayo at lalabas si baby sa time na gusto niya. 39 weeks and 5 days ako nun, super stress ako kasi nga super ayaw ko ma-cs. March 7, 7pm naglelabor na pala ako. Pero tinitiis ko kase nga nkailang balik na kmi sa hospital stuck pa din ako 1cm. Nagdoppler kmi (daily routine nmin ito) nagtataka kami kasi mababa than usual yung nadedetect na heartbeat ni baby ko. Kinabukasan, March 8, nagdecide kami sumugod sa er kasi sobrang sakit pa din nagaalala ako baka UTI na pala. (balakang kasi ang masakit sakin) Pagdating sa hospital, pag-IE sakin, nasa 3cm na ako. pero habang inuultrasound ako, pag nahilab yung tyan ko, bumababa heartbeat ni baby. Kaya ang ending, Emergency CS ako. Naisip ko, siguro kung di ako nastress mainonormal ko si baby. Pero buti nalang din at safe kaming dalawa, lalo na siya. Kaya wag po paka-stress mi. Makakatulong lang ang walking, exercises at kung ano ano pa pero si baby pa din magdedecide kelan siya lalabas 🤗
sis kasi ang induced labor inooffer yan sa mga atleast 3cm na pra mag progress or bumilis ang labor. ibang usapan kasi ung as in wala ka pa sa active labor. Kasi if pipilit mo mag painduced labor na hnd pa active labor baka ma detress baby mo at mawalan/humina ng heartbeat. Kumbaga pinipilit sya lumabas na ayaw pa unless may other medical condition like cord coild, not cephalic etc kaya hnd naglalabor. The best ia try to do ultz to check ur baby if all ok/nornal then wait. Ask ur OB if CS na ba kung aabot ka ng 41weeks.
best na gawin mo po is talk to your OB. nag offer sila nman talaga ng induce kapag lagpas ka na ng due date. ako, 37weeks palang, no sign of labor pero pina admit na at na induce dahil ayaw na ni OB lumagpas ako ng 38weeks due to gestational diabetes. pero ilang oras na nakalipas close parin yung cervix ko, kaya my pinasok na gamot sa vagina ko, ayun na nag progress na at na normal induce ko si baby. good luck and God bless
oo, kaya pa yan.. :) try mo din po mag squat palagi. squat ka din sa labor room especially pag my contractions, makakatulong yan para bumaba si baby, nakakabawas din ng sakit. pray lang po kayo.
Ung kakilala ko 41 weeks 2cm lang sya Nagantay sila 8hrs d Tumaas ang Cm ending Cs na sya kasi nauubusan narin water Si bb. ako nmn 32 weeks na still hoping praying na Safe delivery ..Pinapasa dios ko na kung Mag Normal delivery ba ako or Ma Cs. Peo papatagtag parin ako sympre d nmn masabi if tagtag ka NORMAL KN lahat tau may takot ma Cs. prerp kung un Ang Kalooban Ng Dios talaga saatin tanggapin na natin
hello po, patagtag po kau. lakad lakad, tapos ask kau sa OB nio kung pwede kau uminom ng primrose. ako po kasi nanganak ng 40 weeks and 3 days. ganun lang po ginawa ko. nung nagkacm po ako pumayag na yung OB ipainsert ung primrose sa pwerta ko, after 2 days same routine naglabor na po ako. first time mom din po ako, kakapanganak ko lang nung Nov. 10. wag din po kayo mastress 😊
saka wag po kayo pastress, enjoy every moment po. 😊😊
mami ako po exact 40 weeks nglabor na..kabado din ako ang ginawa ko po walking umaga at hapon po..tpos uminom po ako eve prime rose..tska uminom po ako ng chuckie ,minsan pineapple juice wla ksi mbilhan ng pinya tlga..tska kinakausap ko si baby s tummy ko ..awa nman po ng diyos ng active labor po ako diretcho nanganak na
Ung eve primrose ilan po iniinom niu mamsh? Saka ilang beses sa isang araw?
Naku mams ganan din po ng yari saken Due date ko na d man lng nakaka ramdam ng hilab. Tapos 1 week over due na nag pa cs na ako kc ung madalas na ihi ako tubig na Pala sa Inunan ko malapit na maubos Kaya ob ko agad agad na cs ako
oo nga po e. kaya balik ko next week sa ob ko thursday 40weeks and 2days nako nun. tignan ko ano advice niya if cs na para un nalang dn. para sa safety ni baby
Ganun din ako mga miiii exactly 39weeks today, wala p din sign of labor maliban sa Luma labas sa private part ko na parang kulay light cream pero konti lang..pray lang tayo mga miii💓
ako din kinakabahan pero 37 weeks palang, pero start na ako maglakad lakad and squat para maopen ang cervix ko. Then after 1 week balik ulit kay ob for update
okay lang yan mamsh masyado pang maaga para magpatagtag, maraming nagsasabi saakin na pag 3rd tri na simulan na maglakad-lakad pero nagbasa basa ako kung ilang weeks na pwedeng magpatagtag sabi nila 37weeks and pagka checkup ko kay ob she advice me na maglakad lakad na at mag diet na kasi anytime pwede lumabas si baby and nagpa IE ako for checking nadin sa cervix basta guide guide lang sa consultation ni ob😊
meron kse advance ng 1 week ang labor meron din late ng 1 week if na reach mo na yung 40 weeks
Anonymous