2 MONTHS BABY GIRL

Si baby ayaw ng hindi buhat. At ang daling mainip sa isang pwesto. As in, hindi sya inaabot ng 2 mins ng nakalapag. Kundi mag wawala sya ng iyak. At kapag buhat naman sya, umiiyak sya kapag ako ang may buhat. Sobrang kumportable nya pag lola nya. Sa lola lang sya nakakatulog. Ano po kaya pwede kong gawin. Ginagawa ko naman lahat ng buhat na gusto sya. Ano din pong pwedeng gawin para magpababa sya. Or kung mag babago pa kaya.

2 Các câu trả lời
 profile icon
Viết phản hồi

magbabago din yan mi same experience kase tayo pero ngayon heto saken nalang tumatahan si baby diko alam kung may ibang way or tricks pero ang ginawa ko kay lo ko talagang tinabihan ko kapag tulog at binuhat ko lang ng binuhat para maging komportable siya saken at ma familiarize niya yung scent ko nako mi nung unang buwan talaga sobrang selos at lungkot nararamdaman ko kase si lo ko kay mother ko lang den tumatahan at diko den alam kung natry mo na siyang ihiga sa dibdib mo pedeng nakatayo, nakaupo o nakahiga basta parinig mo kay baby mo heartbeat mo

Đọc thêm
2y trước

Same mi. Sobrang selos at lungkot. Ang sama sama ng loob ko nung 1st month umiiyak ako kasi feeling ko ayaw sakin ng baby ko. Nag suggest din si hubby na iparinig heartbeat. Ginagawa ko pero wala iritable talaga sya sakin 🥺 Matanong ko lang po ilang months si baby nyo na sa inyo na sya tumatahan?

Contrary to your experience mommy, sakin namn si baby habol. Pag sa iba iyak sya pag buhat. Pero once narinig nya at nafeel nya na ako tumatahan. Going 1 1/2 months na sya. Regarding sa paglapag, nung first month din hind sya nagpapababa. Pero tinetrain ko na now.. Minsan nakakatagal na sya while awake na nakalapag o pag tulog din. Unti Unti din nagkaron kmi ng routine.. It'll help mommy.

Đọc thêm