sharing my struggles as a First Time Mom...
"kamusta ka?" yan yung pinaka ayaw kong naririnig simula pa nung buntis ako. maybe there's a deep-seated psychological issue involved, but I always felt like wala akong ibang choice kundi ngumiti at sabihing "okay lang" every time may nangangamusta sakin. my whole life, that's what I did. yun yung normal para sakin, na regardless kung anong nararamdaman mo, you can't unload your problems on other people. just be polite and say you're okay... tsaka ko lang na-realize kung gaano siya kahirap gawin nung naging nanay ako. kahit nung buntis ako, hindi biro yung pagod dahil nagwo-work din ako ng full time and managerial position pa ang hawak ko, so bukod sa baby sa tiyan ko, marami rin akong kailangan alagaan na mga ahente ko. hindi naman ganon kalayo ang paging Team Leader sa pagiging ina, pero sobrang nakakadrain ng energy lalo na kapag wala kang support.
ngayon, malapit na mag 3 months ang baby boy ko, at malapit na rin ako bumalik sa trabaho galing maternity leave. napaka-hirap para sakin ng newborn stage, tapos ang palagi ko pang naririnig, mas madali daw ang stage na to and we should enjoy it while it lasts. pero kung iisipin mo, kasabay ng newborn stage ang post-partum, at hindi lang ang baby mo ang kailangan mong alagaan, pati sarili mo. tapos dahil hindi ka makapag-trabaho kailangan mong umasa sa partner mo, at dahil siya ang financial provider ngayon, kailangan asikasuhin mo rin siya. buong araw mag-isa akong nag aalaga sa baby ko pero parang siya lang ang may karapatang mapagod dahil siya ang nagtatrabaho. pero kapag ang babae ang nagtatrabaho, pag uwi mo galing work, expected pa rin sayo na ikaw ang kumilos sa bahay.
puro anxiety ang laman lagi ng utak ko. lagi kong kinu-question kung tama ba ang ginagawa ko. pero hindi ka pwede maging mahina dahil nanay ka. i have no one I can rely on, kaya dito na lang ako nag rant.
"kamusta ka?"
"okay lang" = "pagod, sleep deprived, masakit ang buong katawan, puno ng anxiety tungkol sa lahat ng bagay, hindi masaya pero di ko pwede sabihing hindi ako masaya kasi 'being a mom should be the greatest joy in the world', at feeling ko lagi I'm the worst person in the world kasi hindi ko magampanan ng maayos ang pagiging nanay dahil hindi ako prepared"
okay lang ako 😊
#firsttimemom #FTM