16 Các câu trả lời
I feel you mommy. Been depressed din po. Kaya di ko po talaga maiwasan mag isip ng mga negative saka umiyak. Pero sa tuwing umiiyak po ako, and gagalaw si baby, i feel bad for her kasi nagpapadala ako sa problema. Kaya kahit mahirap pinipilit ko pa rin ngumiti at magpakatatag para kay baby. Sana maging strong ka din mommy. Kung wala ka mapagsabihan, kaht si baby nalang kausapin mo. Ganun dn kasi ginagawa ko. Saka nafefeel ko na para bang kino-comfort ako ni baby. Restless kasi si baby kapag malungkot tayo mommy. Kaya be strong po tayo. Mahirap po gawin pero kailangan po natin, kasi nakadepend din po si baby sa atin. God bless you mommy. ❤
Mag pray Ka po, ano man pinagdadaanan mo walang imposible sa panginoon. Trust him and believe him. Magiging maayos din ang lahat, isipin mo palagi ang baby na nasa sinapupunan mo. Hindi yan dyan ilalagay ng panginoon para bigyan ng buhay kung wala syang magandang plano. Wag na wag ka pong susuko at panghihinaan ng loob. Magiging mommy kana at may isang munting anghel na umaasa sayo.
Hi po. Nung una po, oo. Pero nung nararamdaman kong parang yumayakap si baby sakin everytime malungkot ako, mas gusto kong mabuhay na lang. Kaya ang ginagawa ko, kinakausap ko si baby pag napanghihinaan ako ng loob. Tapos nagpepray. Makinig ka din po ng classical music para gumaan ang pakiramdam niyo ni baby.
Laban lang momsh. Pray ka always kay God. Kung sa tingin mo wala ka ng malapitan, lapit ka sa kanya tapos isipin mo na lang para sainyo ni Baby mo. Hingi ka ng lakas sa kanya. Di ka niya iiwan. Post ka lang dito marami kami ditong iintindi sayo na pwde mong malapitan ❤️
Ikaw na po mismo nagsabi, WALANG IBANG MAPAGSABIHAN KUNDI SA APP NA TO. Buhos nyo lng po. Handa naman kami mkinig. No to depression kami. Kaya share lng ng share para gumaan ang loob nyo. Masarap po mabuhay, mapait lng kapag seniseryoso mo masyado ang problema.
Mommy ano man po ang pinagdaanan nyo ngayon, kaya mo yan always lang po kayong mag pray at magtiwala Kay God. 😇Be strong and positive po💪🏼 Maraming mang problema dito sa mundo napakasarap pa ring mabuhay Lalo na ngayong na magkakaanak ka. ❤️
Mommy, pwede ka magshare ng problem mo dito para makagaan sa bigat na nararamdaman mo. We're here to listen po not to judge.. Lahat tayo may pinagdadaanan. Ilapit natin kay Lord mga pinagdadaanan natin. For sure si Lord maiintindihan ka🙂
Hi mommy. Be strong for your baby. Yes, madali sabihin pero mahirap pag sobrang sakit na. It will all be worth it. Kapag po wala ka mapagsabihan magpost ka lang po. Your baby needs you. Pray po. :) iyak mo lang if needed. It's okay to cry.
Kmusta dear?? Be strong.. Use these kinds of platform to express yourself.. Talk to anyone who can listen and try to distract yourself by doing something or watching something.
Momsh laban lang. Wag ka panghihinaan ng loob. Kung ano man po ung pinagdadaanan mo isipin matatapos dn yan. Just pray. Talk to Him..
Anonymous