Share lang yung NICU days ni Yashi.. and give awareness na din sa mga nagbubuntis to take good care of themselves
Paglabas ni Yashica narinig ko siyang umiyak malakas namn. Yun lang maraming fluids lumalabas sa bibig nya.. so di na pinatagal ipakita sakin si baby.. recovery room hanggang mkablik na ko ng ward di na dinala sakin si baby yun pala nahirapan na siyang huminga dahil nga sa dami ng fluids nya na lumalabas sa bibig.
Inask ni Doc si Rowell if nagkaron ako ng cough and colds before manganak.. and sabi nya oo.. na I had cough, colds.and difficulty of breathing 2 weeks before.my scheduled date of CS.. Nagpaswab ako 2x and negative naman sa COVID..
To make sure kng san nanggaling yun at bakit hirap si baby huminga pinatest ni Doc si baby - X-ray, 2d Echo, Blood culture. At nirecommend xa sa 2 doctors - Pulmonary and Cardio Doctors. Sa X- ray nya na nauna my kunting blurry nagproprogress yung Pnuemonia nya, sa 2d echonnan nya they saw 2 small holes which they say its fine cause it will close nmn eventually so after 6 months repeat nanamn xa for 2d echo, blood culture nya Ok din .. wala namn tumobo.. kaya yung pedia and pulmonary doc nya ang nagconcentrate na iobserve xa.
Sobrang sakit makita yung anak ko na nakatubo. Sinasabi sakin kausapin ko siya pero everytime na ibuka ko lang un bibig ko naiiyak na ko.. umiiyak ako everyday buti na lang anjan yung asawa ko telling me na maging strong huwag magpakahina.. para kay baby..
And prayers talaga sobrang no 1. As in nagdasal talaga ko na maging okay na si baby.. Si Lord talaga sa kanya ako naghold on .. No. 2 Breastmilk - d best talga eto for recovery ni baby .. pinilit talaga ako nila doc and yung nurses to pump and pump even very little lang ung nilalabas sa dede ko.. and ang pinapainum nila sa baby ko pag di ako nakapgpump is yung stored na breastmilk talaga .. exclusive kase no formula ang hospital.. no. 3 tiwala sa mga doctors and nurses ni yashi na alam ko ginagawa nila best nila to tKe good care of her.
Today shes doing good and very healthy...
and I'm really proud of her for being Strong.. Sabi nga nila Doc ang galing ng progress nya kase in the span of 10 days lumaban siya.. ❤️❤️❤️❤️🥰🥰
.
Maria Catherine Hebrez