sariling pamilya

share lang pom. parehas kami may work ni hubby si hubby panganay sa family nya at ako naman ay bunso year 2017 nagpakasal kami ni hubby year 2018 nagresign sa work si hubby kasi stressed sya sa environment at katrabaho . naiinis ako bakit ko sya pinayahan magresign kasi , after nun, hindi na sya pinalad matanggap o makakuha ng trabaho kahit anong effort pa ang ibigay nya sa pag aaply. ? umabot na sa point na feeling nya malas sya. nakapisan kaminsa parents ko kasi no chance na makapag settle on or own dahil nagbabayad pa.kami utang dahil sa kasal which is sana tapos na ngayon kundi sya nag resign. ako lahat ng shoulder pati needs ng kapatid at magulang nya. lahat ng meron ako nung single nawala na, d na ako nakakahulog sa life insurance ko, nawala na health card at wala na din savings ? nagloko si hubby year 2018 , nagkaroon ng ibang babae ( yes, lakas ng loob jobless sya nun) pero tinanggap ko pa din sya pinaglaban ko marriage namin , at ako naman pinili nya so eto na nagpabuntis na ako at masaya kam kasi panibagong simula namin mag asawa. ngayong 2019, nanganak na ako, si hubby ang stay at home parent at ako naman si working mother, ngayon naiinis ako kay hubby kasi feeling ko di ako satisfied sa pagiging houseparent nya to the point na nasuntok. ko na sya sa braso at kurot na may gigil. naiinis ako sa kanya na araw araw lagi na lang may sakit na nararamdaman dag dag oa paawa effect nya na tulungan mga kapatid nya. feeling ata nila tumatae lang ako ng pera eh. breastmilk ang food ni baby. laking tipid na, so sabi ko kay hubby yung 4k na sana budget sa formula milk, gawing savings pero wala na talaga savings, masyado sya magastos, at mapaluwal ng pera sa kapatid. ? parang malapit na ako mabaliw. malapit na mamatay kakaisip paano pagkasyahin ang budget. mabait naman si hubby kaso hindi talaga ako masatisfy sa effort nya as housseparent, kapag nagagalit ako o binubungangaan ko sya dahil walang pinagkatandaan sa bilin halimbawa sa tamang paglilinis ng bahay at mga routine work.... parang gusto ko sabihin sya na lang maghanapbuhay ako taong bahay... mga dads and maamsh simula pa lang ng aming muntinng pamilya pero bakit ganun may pagkakataon na negative ang naiisip ko at nataramdaman ko. problem ko pa ngaun ay binyag, sabi ko da bday na lang ni baby isabay pero sabi ng fagher ko this yeae na pabinyagan, ayaw ko nga gumastos ng malaki kasi may utang pa binabayaran. ahayyy si hubby naman sabi nya si father ko naman daw sasagot ng binyagan, kaya push na pero AYAW KOntalaga... sonngaun inaaaway ako ng mga tso sa bahay bakit daw d bibinyagan masama daw yun.. hayyy kaya ko p b? s

7 Các câu trả lời

VIP Member

you should really have a good talk with your husband. is he planning to go back to work or permanent na bang stay-at-home-dad siya? would you be comfortable if yung latter? he can also try doing work online. marami naman work kung talagang gugustuhin at hindi mapili. but he should start somewhere dahil kung patatagalin pa niya mas mahihirapan siya to look for a job habang tumatanda siya. pwede rin naman kayo mag business kung may konting capital kayo na naitabi. re sa binyag. hindi kailangan na may malaking handaan. it's a very pinoy thing to want to have handaan, but truth of the matter is, kailangan lang naman may 2 pairs ng godparents para mabinyagan ang bata. puwede namang simple lang na kainan after. i know it's easier said than done—to break away from tradition pero kaya din kung gugustuhin. my son celebrated his 7th bday this year. we were supposed to close down kidzoona and have a big party. but i realized kailangan ba talaga na ganun? i asked him kung ano ba talaga gusto niya. gusto lang daw niya to be with his friends. i booked a mcdo party. ayun masaya na siya.

Wag mo po sanayin na ikaw lahat sa responsibilty...kailangan po magkaroon ng work asawa mo para di sya aasa sayo.ako po kac asawa ko now nagtatrabaho. Pag uwe nya sa pa maglilinis. Pero pag nakita ko na hirap na sya tinutulungan ko naman.kasi maselan ako now magbuntis.tapos pag may problema sinasabi ko sa kanya.naintindihan nya naman. Ok lang po tumulong ,wag lang po ibigay natin lahat kasi sa huli tayo din mahihirapan.sana makatulong sau.thanks

VIP Member

Bakit kailangan pa ng support sa family nya. I mean financially. Alam naman nila na walang work ung kapatid nila. At kasal kau. Sabi nga nung pari once nagpamilya na hindi obligado mag bigay. Ipagpasalamt kung nakakapagbigay kahit maliit. Bka po its about time to talk about it. Kung gusto pa nyang supportahan pamilya nya hanap po sya ng pagkakakitaan nya. Para may maiabot sya.

Ang galing mo naman nakakayanan mo ikaw sumasagot sa family nyo.

Bakit kasi nangungutang sa pagpapakasal e😴

let your husband find a job.. teach him jow to be responsible. siya padre de pamilya . siya dapat kumayod hindi ikaw. at ikaw pa gusto niya bumuhay sa pamilya niya.. tapos ikaw pa gagawa ng gawaing bahay? un nalang gagawin niya di pa nya magawa. kung hahayaan mo ng hahayaan yan masasanay talaga syang ganyan.. dapat nga nahihiya sya na father mo gagastos ng binyag eh. pero mukhang sanay na sya iaasa sayo or sa iba ung responsibility niya. which is di mo dapat itolerate.

Parang yung parents ko ganyan. Bigyan lng kita ng insight kung anong pwedeng maging future ninyo based sa nangyari sa parents ko. Nagstop na magbarko papa ko kasi nadedepress na sya don, si mama naman may small business na nagboom, so kaya naman na hindi na magbarko si papa. So si papa hindi na sya nagtrabaho, nagstay at home na sya, si mama yung super kayod and super strong ng personality. Sa pagkastrong ng personality ni mama, hindi nya napapansin na minsan kung pagsalitaan nya si papa parang bata na kasi perfectionist din si mama. Tapos nagworsen yung depression ni papa, na umabot na sa point na parang sobrang tamad na nya sa life. Mas nahihirapan tuloy si mama kasi sobrang wala nang personality si papa, wala na syang sariling desisyon sa buhay. So ngayon, tinatry nila ayusin relationship nila. Pareho silang nagttherapy. I think kailangan mo din talagang magadjust. Wag mong hayaan na kainin mo na ng buo yung asawa mo. Im not saying magpakaweak ka sa asawa mo, pero try to understand

VIP Member

Una hindi mo naman tungkuli parents at kapatid nya, baldado ba sila para suportahan mo? Kung magbibigay ka yung konti lang at hindi makakaapekto sa pamumuhay nyo mag anak. Nakasanayan na siguro nila at pinasanay mo na din. Matuto ka humindi at hindi mo sila kargo. Unahin mo bayaran mga utang nyo at habang maaga makapag save ka para sa future ni baby. Yung binyag/birthday ipaliwanag mo na lang or ipaintindi na hindi mo pa kaya sa ngayon. Tsaka bakit di mo tayuan bussiness husband mo maski sarisari store para makatulong kahit pano, bigas,bahog, loading station. God bless mommy pakatatag ka, kaya mo yan.

tama yun sis ikaw ang magmatigas natulungan mo na din sila ng matagal na panahon,time naman siguro pamilya mo naman unahin mo. Sabi mo nga may mga pamilya na din kapatid nya hayaan mo sila umayos o gumawa ng paraan kasi once nasanay sayo na yan lagi sasandal. Pano kung ikaw magkasakit na wag naman sana. Basta sis tatagan mo loob mo at tama lang ni block mo sila.

Câu hỏi phổ biến