Nakaraos Din: Via Emergency CS, Low Amniotic Fluid

Share lang po ng experience. ? SEBASTIAN GABRIEL April 16, 2020. 12:05pm via emergency CS EDD: April 11, 2020 First of all thank you po mga mommy sa support niyo and sa pag answer ng mga questions ko. Isa po ako sa mommy na nagworry dahil 40weeks and 5days na wala pa din labor. Wala po tlgang labor, and cramps lang, prng walang contractions. Cervix close oa ako and walang improvement kht nag evening primrose na, pineapple juice, zumba, squat, lakad etc. Nag pa ultrasound ulit ako pra malamn if ok pa si baby, then na find out na low na amniotic fluid niya, 5cm n lng, so inesched nko ni ob ko for induce kinabukasan. Nag paadmit nko ng morning, and tinurukan ng oxytocin[gamot for induce labor], ngunit wala pang hilab, mnmonitor ni doc ang heart beat ni baby and bumababa siya, nag 95 ang heartbeat ni baby ?? so ntkot kmi di n kmi nag tuloy mag induce labor, close cervix p din ako, so na ecs nko. Ang bilis lang ng pangyyri, wala kng mrrmdamn, pro gising na gising ako and ng nailabas na baby ko, narinig ko iyak nya, napaluha ako sa sobrang happy at nakaraos n kmi. ???❤️❤️. Malaki din siya, 7.5pound baby ?. Super healthy niya. I'm so proud of him. Pro super skit pla tlga nitong tahi ko, day 2 ko dto sa hospital, naka poop, wiwi, and utot nmn nko kaya tinanggalan na nila ko dextrose. Pero grabe skit ng hiwa ko sa tiyan, di msydo mkatayo., matagal tagal pa na recovery to but atleast, nakaraos nmn na. Thank you po sa mga advice nyo mommies. ❤️❤️ God bless po sainyo, stay safe. ?

44 Các câu trả lời

Omg. Pareho tayo ng case. Low amniotic fluid that's why na emergency cs ako. 8 pounds si baby. Day 2 din nung nakautot at nakapoop ako. And you know what? Sebastian din sana ipapangalan ko kay baby hahahaha. Congratulations!

Cuuute nya momsh.. congrats po Same tayo ecs, sipag ko maglakad at mag exercise nun kea lang nauna panubigan tas nastack sa 7cm 12hrs na baka mapano c baby kea nagdecide c OB na ECS. God Bless sainyo

Wow buti nlng po.. God Bless po sainyo ni Baby

VIP Member

Time will heal your sugat momsh. 😊 Congratulations! Me din Ma-Ccs din ulit. Mararanasan ko na naman ang sakit. 😂 Basta ok lang si baby sapat na. 😊

God bless po mommy. 😊 Kakayanin yan bsta pra kay baby. ❤️❤️❤️ Praying for your safe operation.

VIP Member

Congrats mamsh! Nasa magkano inabot bill? Current 39 weeks and 9 days takot ako baka ma-cs din ako😢

Taga bicol po ako mamsh, bale 91k bill namin sa hospital, private po and may sarili po akong ob. Kaht ako man ay takot din ma cs noon, ginawa ko na lahat tlga para matagtag, pero may problema tlga cervix ko ayaw niya mag open and wala akong labor. Kaya na ecs nkmi ni lo. Pray ka lang kay God, ang importnte mamsh is ung safety niyo ni baby,ksi ang pera nggawan ng praan. 😊 God bless mamsh, hoping for your safe and normal delivery.

Hi sis same tayo Nanganak ako ng April 16 2020 10:27pm via NSD Thanks God at Nakaraos din tayo

congrats po.. saang hospital ka pp nanganak at magkano po naging bill mo for cs?

Taga province ako momsh, taga bicol po ako. 91k po un nagastos nmin sa private hospital lahat lahat. naka private room po un. Mas mababa po pag naka ward.

VIP Member

Congrats momshie ❤️❤️❤️ god is good talaga ❤️

Thank you mamsh. 😊😊

Congrats... welcome to the new world baby boy.. godbless 😇

Thank you mommy. 😍❤️

Congrats po..ka birthday ko po ung baby nyo momshie..

Congrats po , kapangalan siya NG hubby ko nakakatuwa

Câu hỏi phổ biến