share lang po. habang wala akong ginagawa .
dito po ako nakatira ngayon sa In laws ko
yung asawa ko po kase nasa ibang bansa .
bali bread winner po yung asawa ko sa family nya . monthly sya nagpapadala sa MIL ko
andun na yung pambayad ng bills at pang araw2x . meron silang negosyo tindahan at for rent na videoke pero hndi rin sapat kaya obligado parin ang asawa ko sa pagpapadala sa kanila hindi naman po ako tutol dun .
ang sakin lang po .minsan po kase nagpaparinig ang MIL ko na wala na daw pera, ubos na daw pambayad sa mga bills at yung tindahan kpag nauubos yung paninda hihintayin pa yung padala ng asawa ko bago mapuno ulit yung tindahan .
nagpapadala po yung asawa ko sakin pero sapat lng din po sa gastusin ko sa pagbubuntis .kaya kapag naririnig ko po yung MIL ko na nagrereklamo na wala na syang pera . parang nakokonsensya po ako
kc wala po akong maibigay sa kanila kc wala nman po akong work .
dapat po ba akong makonsensya ?
kahit yung asawa ako naman ang nagpapadala sa kanila ng pang gastusin dito sa bahay ?
kaya minsan naiisip ko, na after ko manganak maghanap agad ako ng work
para atleast man lng may sarili akong pera at makapag abot sa kanila kahit papano .
kaso ngayon kase parang dagdag palamunin din nila ako ? yun po yung nararamdaman ko ?
Anonymous